“Please, wag kang magkakasakit”, hiling ni Angel Locsin sa kaarawan ng fiancé na si Neil Arce




Mga imahe mula sa Facebook page ni Angel Locsin
  • Isa sa mga inaabangan na kasalan sa showbiz industry ang pag-iisang dibdib nina Angel Locsin at Neil Arce
  • Sa isang Instagram post, binati ng aktres ang kasintahan na nagdiwang ng kaarawan
  • Ang kahilingan ng aktres para kay Neil ay ang huwag itong magkakasakit sa gitna ng banta ng COVID-19

Noong Marso 16, 2020, nagpaskil ng birthday message si Angel Locsin sa isang tao na napakalapit sa kaniyang puso — ang fiancé na si Neil Arce.

Si Neil ay itinuturing ni Angel bilang best friend at ang pag-ibig sa kaniyang buhay.

Imahe mula sa Facebook page ni Angel Locsin

Napapanahon din ang kahilingan ng aktres para sa kasintahan at ito ay ang huwag umanong magkakasakit sa kabila ng paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

“To the man who has been my best friend for years, my partner in crime, and the love of my life, happiest birthday! Please, ‘wag kang magkakasakit,” ayon sa Instagram post ng dalaga.

Nagkomento rito si Neil at sinabing, “Thanks, my love.”

Simple man ang mensaheng ito ni Angel para sa kasintahan, mararamdaman pa rin ang kaniyang sinseridad at pagmamahal sa fiancé.

Mula nang isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon, makikita sa kani-kanilang social media accounts kung gaano katamis ang kanilang pagmamahalan.

Noong Hunyo 2019 ay nag-viral din ang pag-“yes” ng aktres sa wedding proposal ni Neil na isa ring film producer.

Wala pa mang pormal na anunsiyo kung kailan ikakasal ang dalawa, inaasahan na sila ay mag-iisang dibdib ngayong 2020. Mahihiwatigan din ito sa isang Instagram post ni Neil noong Valentine’s Day.

Imahe mula sa Facebook page ni Angel Locsin

“Last year I was here with my GF. This year, I’m here with my fiancé. Next year and all the years after that, I’ll be here with my wife. Happy Valentine’s day, my Love!” batay sa isang post ni Neil.