#1000JumpChallenge: Kim Chiu, kinabiliban ng mga netizens ang bagong exercise routine




Mga imahe mula sa Instagram account ni Kim Chiu
  • Maging ang mga artista ay apektado rin ng enhance community quarantine
  • Gayunman, hindi ito naging balakid sa kanila upang gawing kapaki-pakinabang ang pananatili sa kani-kanilang bahay
  • Tulad ni Kim Chiu na may bagong natutuhang exercise routine na kaniyang ibinahagi sa Instagram

Marami sa mga artista ang nagkaroon ng maraming oras para sa sarili at sa kanilang pamilya dahil sa enhanced community quarantine. May mga artista ring nakapaglinis ng bahay at nag-aaral na magluto.

Mayroon ding hindi nakaliligtaan ang kanilang routine lalo na sa pagpapanatiling malusog ng kanilang katawan. Isa na rito ang Love Thy Woman star na si Kim Chiu na nagpamalas ng katatagan ng resistensiya sa pamamagitan ng jump rope exercise.

Imahe mula sa Instagram account ni Kim Chiu

Ibinahagi ni Kim sa kaniyang Instagram account ang bagong routine exercise na kaniyang natutuhan habang naka-quarantine. Natutuhan niya ito mula sa pananaliksik gamit ang Internet.

“Making the most of this day 10 quarantine! Read on the net doing jump rope can get rid of your lower belly fat (stubborn fats) so I challenged myself to do a 1000 jumps every day for 7 days!” ayon sa dalaga.

Makikita sa video ang pawisang dalaga na nakangiti pa habang tumatalon gamit ang jumping rope. Iyon ang ikalawang araw ng kaniyang challenge sa sarili.

Hinikayat din niya ang kaniyang mga followers na gawin din iyon para mapanatiling matatag ang kanilang isipan at katawan.

“Day 2 of 7!!! You can try this at home too! Stop at every 100 jump if its tiring! Strong mind is strong body! Keep safe everyone! Stay healthy!” dagdag pa ni Kim.

Maraming netizen ang humanga sa ipinamalas na katatagan ni Kim lalo pa at tila ‘sisiw’ lang sa dalaga ang tuloy-tuloy na pagtalon.

“So strong Kimmie,” ayon sa komento ni Bianca Gonzalez.

Imahe mula sa Instagram account ni Kim Chiu

“Grabe! Ako ‘yung napagod. Keep safe, ate!” komento naman ni Loisa Andalio.

Marami kaya ang gagaya sa challenge na ito ni Kim?

Source :

Instagram