Yung totoo? Eksena sa Make It With You kung saan “nagvi-video call” sina Liza Soberano at Katya Santos, trending online




Larwan mula sa video ng ABS-CBN
  • Trending ngayon sa social media ang nakatatawang eksena sa sikat na seryeng Make It With You
  • Magkausap kasi sa telepono sina Liza Soberano at Katya Santos sa isang eksena
  • Sa screen nakaharap si Katya na animo’y video call habang si Liza naman ay sa tenga nakatapat ang kanyang cellphone

Hinahangaan ang teleserye ng ABS-CBN na Make It With You dahil sa magagandang eksena nito. Mula sa magandang locations na ang iba ang kuha pa sa bansang Croatia, marami din ang natutuwa sa kakaibang takbo ng istorya na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Ngunit ang top-rating serye ay nababalot ng kontrobersya at katatawanan ngayon dahil sa isang tila blooper na eksena. Sa isang bahagi ng serye, nag-uusap kasi ang dalawang cast members na sina Liza at Katya Santos sa telepono ngunit napansin ng ilang netizens na tila may mali sa eksena.

Larwan mula sa video ng ABS-CBN

Si Katya kasi, nakatingin sa screen na animo’y nagvi-video call. Ngunit sa kabilang linya, si Liza ay kinakausap si Katya ngunit hindi sa screen ngunit nasa tainga niya ang cellphone. Nalito tuloy ang mga audience kung ano ba talagang uri ng usapan ang nagaganap sa dalawa, kung regular phone call ba o video chat.

Ibinahagi rin ni Pinoy Big Brother former housemate Paco Evangelista ang clip ng ‘wow mali’ na eksena ng Make It With You sa kanyang Twitter account. Sabi ng reality show alumnus at isa ring aktor, ngayon lang daw siya nakakita ng eksena na may ka-video call na tainga ang isang tao.

“That moment in Philippine TV history where Katya Santos is video calling Liza Soberano’s ear,” pahayag ni Paco sa kanyang trending post na mayroon na ngayong higit 300,000 views at 40,000 likes.

Marami ang tawang-tawa sa eksenang ito ng teleserye. Ang iba naman, pilit na hinahanap ng sagot ang nangyaring eksena. Pahayag ng iba, baka raw tight na ang schedule ng production team kaya wala nang time para i-retake kaya ipinalabas.

Larwan mula sa video ng ABS-CBN

Ayon naman sa ilang fans, maaari daw na naka-loudspeaker lang si Katya at hindi video call ang nangyari. Pero maraming viewers ang kumbinsido na error ito ng production team na nakatulong naman sa pagte-trending ng show.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may napansing mali ang mga netizens sa eksena sa telebisyon. Marami na ring viral scenes mula sa mga panoorin ang tila kinulang na sa panahon upang tiyaking tama ang mga eksena na kalaunan ay naging memes na sa social media.

Panoorin ang eksenang ito ng Make It With You:

Source :

Twitter, Facebook