Xian Gaza sa regalo niyang Mustang para kay Nadine Lustre: ‘All I want is to be your acquaintance. Nothing more, nothing less’




Imahe mula kay Xian Gaza | Facebook at Imahe mula kay Nadine Lustre | Instagram
  • Isang “Bouquet of Mustang” ang regalo umano ni Xian Gaza para kay Nadine Lustre sa Valentine’s Day
  • Sa Facebook, ibinahagi ng kontrobersyal na social media personality ang larawan ng mamahaling sasakyan kasama ang kaniyang mensahe sa aktres
  • Iginiit ni Gaza na ang tanging intensiyon niya ay ang makilala lamang si Nadine at wala nang iba pa

Ibinahagi ng kontrobersyal na social media personality na si Xian Gaza ang kaniyang mamahaling regalo para sa aktres na si Nadine Lustre para sa Valentine’s Day.

Imahe mula sa Facebook post ni Xian Gaza

Sa Facebook post ni Gaza noong February 10, ipinakita nito ang regalo umano niyang “Bouquet of Mustang” kay Nadine. Kasabay nito ay ang kaniyang lakas-loob na mensahe tungkol sa tanging intensiyon niya sa kasalukuyang single na aktres.

“Since my teenage days, KSP na talaga ako,” sabi nito sa kaniyang post. “Whenever I really like someone, gagawin ko ang lahat-lahat para makuha ang atensyon nung babaeng gusto ko in the grandest way possible within my means.”

Nakayanan din nitong magpasaring tungkol sa mga nagawa niya para sa iba pang mga kilalang personalidad sa industriya ng showbiz tulad na lamang nina Ella Cruz at Erich Gonzales na napabalitang pinormahan noon ni Gaza.

“Maybe iisipin ng madlang people that this Ford Mustang is too much, na parang binibili kita at yung pagkababae mo. Nope!” giit ni Gaza matapos i-upload ang larawan ng pulang sasakyan para kay Nadine.

“I believe that you deserve to be the first ever person in the Philippines to receive a ‘Bouquet of Mustang’ as a Valentines gift because that’s how high I value you as a woman,” dagdag nito.

Maliban pa sa mga naunang pahayag ng social personality para kay Nadine, binigyang-diin din nito ang tanging nais niya sa aktres kapalit ng kaniyang regalo.

I-click ang imahe para mabasa ang orihinal na post

“All I want is to be your acquaintance. Nothing more, nothing less,” ani Gaza sa post.

Ayon sa kaniya, wala siyang ibang intensiyon sa post kung hindi ang makilala lamang si Nadine at wala nang iba pa.

Source :

Facebook