Tuloy ang kilig: Rita Daniela at Ken Chan, nagpalitan ng inspiring message sa Instagram matapos ang kanilang serye




Larawan mula sa Instagram post ni Rita Daniela
  • Nagbigay ng sweet at inspiring na mensahe si Rita Daniela sa kanyang katambal na si Ken Chan
  • Nami-miss na raw ni Rita ang mabait at maalagang katrabahong si Ken
  • Sumagot naman si Ken sa post ni Rita na kinakiligan naman ng kanilang fans

Nagtapos na ang top-rating teleserye nina Ken Chan at Rita Daniela na One of the Baes. At sa pagwawakas ng serye, nagbabahagi ng mensahe ng pasasalamat at iba pang magagandang kuwento si Rita sa kanyang Instagram account.

Nagbigay siya ng mensahe sa kanyang naging tatay sa serye na si Roderick Paulate, gayundin sa iba pang naging bahagi ng show. Ngunit ang nagbigay ng kilig sa kanilang fans ay ang iniwang mensahe ni Rita para sa leading man niyang si Ken.

Larawan mula sa Instagram post ni Rita Daniela

Sa isang post, sinabi ni Rita na gusto niya lamang kilalanin ang lalaking patuloy na sumusuporta at umaalalay sa kanya sa magandang takbo ng kanyang career bilang aktres. Sabi pa ng Popstar Kids grand winner, ngayong tapos na ang taping para sa serye, mami-miss niya raw si Ken na naging leading man niya na rin noon sa teledramang My Special Tatay.

“I wanna take this moment to honor the man who keeps on supporting me, helping me, and holding my hand especially when i cannot stand on my own. The man who’s always there for me, who makes me laugh effortlessly (iyong every kita pwede ako kabagin kind of laugh) and makes me happy! Mamimiss kita, chow! Thank you for letting me shine,” pahayag ni Rita para kay Ken.

Pinuri din ni Rita ang mahusay na pagganap ni Ken sa kanyang role bilang si Grant sa One of the Baes. Pahayag ng kanyang katambal, effortless daw ang bawat pagganap ni Ken sa mga roles na ibinibigay sa kanya simula noong maging prime artist siya ng GMA.

Sumagot naman si Ken sa mensahe sa kanya ng leading lady at sinabing hindi man sila laging magkasama ni Rita ay lagi naman daw nariyan si Ken para sa kanya. Dahil din daw sa husay ni Rita sa anumang ginagawa niya ay kikinang at patuloy siyang sisikat.

Larawan mula sa Instagram post ni Rita Daniela

“I may not always be there with you Rita but I will always be there for you. And you’re always shining and I’m sure you will keep on shining pa. Labyu!” nakakakilig na pahayag ni Ken.

Umapaw naman ang mga kinikilig nilang fans sa comments section ng post ni Rita. Para sa kanila, ang palitan ng mensahe ng dalawang Kapuso stars ay patunay ng kanilang magandang chemistry on and off camera.