Special Valentine’s Day: Jose Manalo nakasama sa isang date ang kanyang ‘special’ na tagahanga




Larawan mula sa Facebook page ng Eat Bulaga
  • Sinurpresa ni Jose Manalo ang isa niyang tagahanga na mayroong espesyal na kondisyon
  • Nakilala niya ito sa kanilang segment sa Eat Bulaga na Bawal Judgmental kung saan itinampok ang special people na mayroong trabaho
  • Sinundo ni Jose si JM sa kanyang trabaho sa isang pharmacy at kumain sila sa isang restaurant

Sa isang episode ng sikat na Eat Bulaga segment na ‘Bawal Judgmental,’ naging mga subject nila ang mga special people na nagtatrabaho sa kabila ng kanilang kondisyon. At isa sa mga contestant ay umamin sa harap ng studio audience na ang celebrity crush niya ay ang komedyante at host na si Jose Manalo.

Napaiyak pa noon si Jose nang isalaysay ni JM, helper sa isang pharmacy, na si Jose ang isa sa mga rason kung bakit siya masaya sa araw-araw. At bilang pagpapakita ng pagpapasalamat sa kanyang tagahanga, sinurpresa ni Jose si JM at nagkaroon sila ng isang special Valentine’s date.

Larawan mula sa Facebook page ng Eat Bulaga

Ibinahagi ng official Facebook page ng Eat Bulaga ang ginawang surpresa ni Jose para kay JM. Walang kamalay-malay si JM na susunduin siya ni Jose mula sa kanyang trabaho. Inabutan siya ng kanyang celebrity crush ng isang bouquet ng bulaklak.

Matapos nito ay nagpunta sila sa isang restaurant at doon masayang kumain at nagkuwentuhan. Binigyan din ni Jose si JM ng regalo. Iniabot niya ang isang pulang plastic bag na naglalaman ng isang baseball hat.

Kitang-kita sa mukha ni JM ang saya sa hindi inaasahang masayang Valentine’s date niya. Noong una kasing pagpunta niya sa Eat Bulaga, hindi na matawaran ang saya ni JM na maka-selfie at makatabi ang kanyang crush na si Jose. Kaya naman ang maka-bonding niya ito ay isang hindi matatawarang karanasan para sa kanya.

Maliban sa pagiging isang Valentine’s date, nagsilbi rin itong bahagi ng birthday celebration ni Jose. Agad namang nag-viral sa social media ang post na ito ng Eat Bulaga at umabot agad ng 45,000 reactions, 2,000 comments, at 1,000 shares ang nakuha nito.

Larawan mula sa Facebook page ng Eat Bulaga

Maraming netizens din ang natuwa para kay JM. Napanood kasi nila ang episode ng Bawal Judgmental at humanga sila dahil sa kabila ng pagkakaroon ng kondisyon ni JM, ay masipag pa rin itong pumapasok sa trabaho. Walong oras din ang pasok niya sa pharmacy at tatlong taon na siyang empleyado nito.

“Maraming beses ko pinanood ang episode na ito. Sobrang saya ni JM. Walang katumbas ang saya niya dahil mayroong isang Jose na nagpapasaya sa kanya,” sabi ng isang netizen.

Source :

Facebook, YouTube