Solusyon sa mga walang ka-Valentine’s? Video ng netizen kasama ang kaniyang virtual ‘BF’, kinaaliwan sa socmed




Imahe mula sa Facebook video ni Alvin Monleon
  • Kinaaliwan sa social media ang video kung saan makikita ang virtual ‘boyfriend’ ng isang netizen
  • Viral ang video matapos itong ibahagi n Alvin Monleon sa Facebook
  • Marami rin ang na-curious at gustong malaman kung anong mobile app ang ginamit nito para magkaroon ng “ka-date” ngayong Valentine’s

Maraming magkasintahan na ang excited na magdiwang at maglaan ng oras para sa kanilang mga minamahal ngayong Valentine’s Day.

Sa kabila nito, hindi maiiwasan minsan na may ilang couples na mag-aaway o magkakatampuhan — dahilan para masira ang perpekto sanang araw na kanilang hinihintay.

Imahe mula sa Facebook video ni Alvin Monleon

Sa Facebook, viral naman ang video na in-upload ng netizen na si Alvin Monleon noong February 13.

Makikita kasi rito ang nakaaliw na “suyuan” sa pagitan ng kaniyang kaibigan at sa nagsilbi nitong virtual “boyfriend”  matapos ang kanila umanong tampuhan.

“Sana all may ka-Valentines,” sabi ni Alvin sa post.

Kapansin-pansin sa video ang boses ng isang babae na tila ba pinagbabati ang dalawa lalo na’t nalalapit na ang Valentine’s Day.

Kinakiligan rin ang pagyakap ng lalaking mula sa Instagram filter sa babaeng nasa video para maayos na nila ang kanilang ‘di pagkakaunawaan.

Umani naman ang post ng iba’t ibang reaksiyon sa social media.

Mayroong mga naka-relate at inihalintulad ang kanilang sitwasyon tuwing nagkakaroon sila ng away ng kani-kanilang kasintahan. Mayroon ring mga single na nakapagsambit na lang ng “sana all” at umaasa pa ring magkaroon ng kasama sa Araw ng mga Puso.

Imahe mula sa Facebook video ni Alvin Monleon

“Need,” sabi ni NS sa comment section matapos makita ang video ni Alvin sa Facebook.

“Virtual jowa. Welcome to the modern age. Lol!” ayon naman kay AC matapos i-tag ang kaibigan sa comment section ng post.

“Hahaha!Ita-try ko sana ito pero mukha naman akong may kayakap na manong nito,” sabi naman ni PP.

Sa kasalukuyan ay umani na ang video ng mahigit 30,000 reactions at lagpas 32,000 shares wala pang isang araw matapos itong ma-upload sa social media.

Source :

Facebook