Sobrang kadaldalan maaaring makasama sa kalusugan, batay sa eksperto




Imahe mula sa Pixabay
  • Pinaniniwalaan ng mga eksperto na maaaring makasama sa kalusugan ng isang tao ang labis na kadaldalan 
  • Ayon sa ENT specialist na si Dr. archie Ramos, puwedeng makagasgas ang vocal cords ng sinumang nasosobrahan sa pagsasalita at pagsigaw
  • Inirekomenda niya naman ang madalas na pag-inom ng tubig upang mapangalagaan ang lalamunan

May paalala ang isang eksperto hinggil sa maaaring maging epekto sa isang tao ng labis na kadaldalan o palagiang pagsasalita.

Imahe mula sa Pixabay

Sa programang Good Vibes ng DZMM, sinabi ni Dr. Archie Ramos, isang Ear-Nose-Throat (ENT) Specialist, na puwedeng makapagdulot ng masamang kalusugan ang pagiging masyadong madaldal.

“Si vocal cords ‘pag palagi po natin siyang nagagamit, meaning nagagamit nang hindi tama,” sabi ni Ramos. Pagpapatuloy nito, “Lagi pong sumisigaw, walang patid na pagsasalita, minsan [kapag] madaldal talaga, naaabuso po ‘yung vocal cords at namamaga po siya.”

Ayon sa eksperto, puwedeng makagasgas sa lalamanun o vocal cords ang labis na paggamit ng boses tulad ng maya-mayang pakikipagdaldalan at pagsigaw ng isang tao na siyang nagiging dahilan upang mapaos ito at makaramdam ng pamamalat ng boses.

Nagbabala rin ito tungkol sa posibilidad na permanteng mawala ang boses ng isang tao kung patuloy nitong hinahayaan ang pagkasira ng kaniyang vocal cords.

“Minsan sa lifestyle. Napapansin na nating nagbabago pa lang nang kaunti ang boses, pipilitin pa nating magsalita. Trabaho pa nang trabaho hangga’t sa hangin na lang ang lumalabas,” sabi pa ng eksperto.

Iginiit nito na importanteng mapangalagaan ang boses upang maipagpatuloy ng isang tao ang kaniyang maaayos na pagsasalita, lalo na ang madalas na gumamit nito sa paghahanapbuhay.

Imahe mula sa Pixabay

Ayon kay Ramos sa kaniyang interview na in-upload ng ABS-CBN News sa Youtube., importante rin ang “proper hydration” o palagiang pag-inom ng tubig para pangalagaan ang boses at lalamunan.

Source :

Youtube, ABS-CBN