Senador Cynthia Villar, sinabing makapagpapataas ng lokal na turismo ang epidemya ng 2019 nCov




Public Domain Image
  • Dapat daw samantalahin ng mga magsasaka sa Iriga City ang epidemya ng 2019 novel coronavirus upang mapalakas ang lokal na turismo sa bansa
  • Makatutulong umano ang naging travel ban sa ibang bansa upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na lakbayin at galugarin ang Pilipinas
  • Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens

Ipinahayag ni Senador Cynthia Villar sa unang Agribusiness Tourism event sa Iriga City na makatutulong ang outbreak o epidemya ng 2019 novel coronavirus (nCoV) sa pagpapalakas ng lokal na turismo sa bansa.

Sa harap ng mga daan–daang magsasaka, sinabi ni Villar na dapat samantalahin ng mga magsasaka ang travel ban dahil sa nCov.

“Since there’s a ban on any flight coming in from China, Hong Kong, and Macau, so they can’t cruise for fear of getting infected of nCoV so we will rely on farm tourism and it is local tourism,” pahayag niya.

Public Domain Image

Makatutulong umano ang naging travel ban sa ibang bansa upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na lakbayin at galugarin ang Pilipinas, lalo na ang mga bukirin, batay na rin sa tinatawag na “agritourism” ng Department of Tourism.

Hinikayat ni Villar ang mga magsasaka na pasukin na rin ang agribusinesss upang madagdagan pa ang kanilang kita at ikinabubuhay.

Aniya, nararapat na sumailalim ang mga magsasaka sa mga libreng pagsasanay na inihahain ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA upang malinang ang kakayahan at kasanayan nila sa pagsasaka.

“Technology is the most important thing to improve and boost production,” ayon sa pahayag ni Villar.

Samantala, iba’t ibang reaksyon ang komento ang ibinulalas ng mga netizens sa pahayag na ito ni Villar; hindi pa man natatapos ang isyu nila hinggil sa sinabi nitong kaya mababa ang mga IQ ng kabataang Pinoy ay dahil kulang sa pag–inom ng gatas ng ina.

“Nasobrahan sa gatas ang mahal na senadora. Delikado at hindi advisable ang travel ngayon  sa loob at labas ng bansa dahil sa banta ng nCov,” turan ng isa.

Public Domain Image

Ayon naman sa isa, “Agribusiness is a great idea. However, para sabihin mong samantalahin ang nangyayaring epidemya para mapalakas ang turismo, that’s absurd.”

“Oo nga naman. Kaysa naman matakot tayong lahat, bakit hindi na lamang tingnan ang mga posibilidad,” turan naman ng isa.

Si Senador Cynthia Villar ang chairman ng Agriculture and Food Committee sa Senado.