Sana hindi all: Larawan ng lalaking nabasted ng ka-Valentine, umantig sa mga netizens




Larawan mula sa Facebook post ng Di Umano
  • Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang lalaki na tila nabasted ng kanya sanang ka-Valentine
  • Nasa sidewalk kasi ito, nakayupyop, at tila napakalungk0t hawak ang mga bulaklak at lobo
  • Maraming netizens naman ang naantig sa larawan ng lalaki na ‘di tiyak kung mula ba sa Pilipinas o kuha sa ibang bansa

Nag-uumapaw sa pagmamahal ang nakaraang Valentine’s Day. Sa social media pa lamang, makikita mo na ang larawan ng mga netizens na ipinapakita ang kanilang mga natanggap na regalo, kanilang mga naging date, at iba pang paraan para gunitain ang araw kasama ang kanilang mga minamahal.

Ngunit hindi lahat ay masaya sa Araw ng mga Pus0. May mga pagkakataon kasi na kahit ipakita mo ang iyong pag-ibig sa isang tao, hindi naman ito nasusuklian ng pagmamahal rin; bagkus ay nagiging sanhi pa nga ng pagkabigo para sa ilan sa atin.

Larawan mula sa Facebook post ng Di Umano

Ganito ang larawang ibinahagi ng Facebook page na Di Umano. Sa tatlong larawang in-upload nila sa kanilang social media account, makikita ang isang lalaki na may dalang mga bulaklak at lobo. Ngunit imbes na masaya ito, nakaupo sa side walk ang lalaki, nakayupyop at tila umiiyak.

Kung bibigyan ng kahulugan ang larawan, tila nabasted si Kuya ng kanyang nililigawan at hindi man lamang tinanggap ang kanyang handog. Hindi malinaw kung sa Pilipinas o ibang bansa kuha ang larawan dahil may isang Facebook page din mula sa Thailand na nag-upload nito.

Gayunman, saan man galing ang larawan ng lalaking nabigo sa Araw ng mga Pus0, marami naman ang naantig dito at nakaramdam ng awa para sa lalaki. Umabot na nga sa 3,500 reactions na karamihan ay ‘sad’ at 2,000 shares.

May mga kalalakihang nagbigay ng payo para sa lalaki at sa kung sinumang nakaka-relate kahit hindi nila personal na kilala.

Ayon sa ilan, ayos lamang daw na makaramdam ng lungk0t ang lalaki dahil sa nangyari. Ngunit hindi naman daw ito ang katapusan ng lahat. Maaari hindi sila laan para sa isa’t isa ng babaeng nililigawan niya at balang araw ay mahahanap din niya ang para sa kanya.

Larawan mula sa Facebook post ng Di Umano

“At least you tried! Go with the flow pare! At least, no doubt, ginawa mo na pare. Hindi siya para sa iyo. Mayroong para sa iyo,” payo ng isang lalaking netizen.

May ilan namang nagpayo na kaysa masayang ang mga bulaklak at lobo, puwede naman daw itong ibigay ni Kuya sa iba pa niyang kapamilya tulad ng kanyang nanay, kapatid na babae, o mga kaibigan.

Basta’t laging tandaan, minsan ang isang pagkabigo ay siya palang magiging daan upang makatagpo ang mas nararapat sa iyo! Laban lang!

Source :

Facebook, FB