Panoorin: Lovely Embuscado problemado na sa magulang noong nasa Protégé pa lang siya; Mentor na si Jaya nagalit




Larawan mula sa YouTube video ng GMA Network
  • Muling dumarami ang views ng video ni Lovely Embuscado noong nasa Protégé pa lamang siya
  • Kabilang sa mga ito ay nang minsang sabihin ni Lovely sa mentor niyang si Jaya ang kanyang suliranin sa magulang
  • Nanghihingi raw kasi ng pera ang amang noon ay inabandona sila sa nanay ni Lovely mula sa allowance niya sa GMA Network

Kamakailan ay nag-trending ang dating Kapuso perfomer at Protégé contestant na si Lovely Embuscado. Nakita kasi siya ng isang kolumnista na palaboy-laboy na lang sa lansangan at wala nang sariling tahanan. Dumagsa naman ang tulong para sa kanya mula sa mga dating kasamahan sa Kapuso network.

Ngunit maliban sa suliranin ni Lovely sa kasalukuyan, nagkaroon na pala siya ng dinadala noong contestant pa lamang siya sa nasabing GMA reality show. Trending muli ngayon sa YouTube ang video ni Lovely habang ikinukuwento kay Jaya ang pr0blemang kinahaharap sa mga magulang.

Larawan mula sa YouTube video ng GMA Network

Sa isang episode ng Protégé, nagtapat si Lovely sa harap ng mentor na si Jaya at ilang kapuwa contestant patungkol sa paghingi umano ng pera ng ama ni Lovely sa ina nito. Nanghihingi raw ng pera ang tatay ni Lovely upang pang-negosyo mula sa allowance na nakukuha sa show.

Hindi naman ito ikinatuwa ni Jaya dahil batid nito ang ginawang pag-abandona ng ama ni Lovely sa kanila simula noong bata pa ito. Hindi nagustuhan ni Jaya na noong kumikita na si Lovely ng pera ay tsaka babalik ang ama upang manghingi sa anak.

“Una sa lahat, ang tatay n’yo hindi n’yo kasama… Di ba iniwan kayo? Wala siyang karapatan ni isang kusing… Di ko alam kung bakit binigyan ng mama mo yung papa mo ng pera. Bakit kayo mamamahagi kung hindi naman siya parte ng buhay n’yo? Kailangan n’yo yung pera hindi siya yung nangangailangan…” galit na sabi ni Jaya noon.

Lalong ikinainis ni Jaya nang malamang wala man lang palang naibigay ang ama ni Lovely sa bata simula pagsilang dito. Sinabi pa raw ng ama ni Lovely na kung hindi siya mabibigyan ng pera ng nanay ng singer ay ipapakorte niya ito.

Lalo namang hindi nagustuhan ni Jaya ang sinabing iyon ni Lovely. Sabi ng Queen of S0ul, kung hahantong man daw noon sa demandahan ang lahat, handa siyang humarap sa korte dahil alam niyang hindi magwawagi ang ama nito.

Larawan mula sa YouTube video ng GMA Network

Tumaas din ang kilay ni Jaya nang sabihin ni Lovely na ipinahayag daw ng ama niya na kung hindi dahil sa kanya ay walang Lovely ngayon na nagbibigay ng hanapbuhay sa kanila. Lalong nangamba si Jaya na kung sakali raw manalo si Lovely sa contest ay lalong pag-iinteresan ng ama nito ang kanyang perang mapapanalunan.

Sinabi naman ng mga netizens na naaawa sila para kay Lovely. Ngayon daw ay batid na nila kung bakit ito mayroong kinakaharap na suliranin sa kanyang pag-iisip ngayon. Bata pa lamang daw kasi ito ay dala na niya ang kanyang magul0ng pamilya.

Panoorin ang usapan nina Jaya at Lovely tungkol sa magulang ng Protégé contestant: