Panoorin: Diskarte ng netizen na gustong safe pa rin sa kabila ng COVID-19 pero ‘food is life’




Larawan mula sa Facebook video ni Laarni Shaztine
  • Trending sa social media ang kakaibang face mask ng isang netizen
  • May butas kasi ang face mask niya upang hindi maging sagabal sa pagkain
  • Maraming netizens naman ang nakakuha ng ideya sa paandar na ito ng netizen

Sa magkasunod na buwan nitong 2020, naging mabenta ang mga face mask dahil sa magkaibang dahilan. Una na rito ang paglaganap ng ashfall bunsod ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal noong Enero at banta ng nCoV nang may maiulat nang kas0 sa Pilipinas.

Dumating pa nga sa puntong naubusan na ng suplay ang mga tindahan at pharmacies dahil sa dagsa ng mga mamimiling gustong maging ligtas mula sa iba’t ibang sakunang dumapo sa bansa. Nagtaas pa nga ng presyo ang iba at sinamantala ang mataas na demand para sa mga face mask.

Larawan mula sa Facebook video ni Laarni Shaztine

Hindi na rin bago ang makakasalubong o makakita ng mga Pilipinong nakasuot ng face mask bilang proteksyon. Ngunit kahit malaki ang naitutulong ng face mask upang hindi dapuan ng anumang uri ng virus, minsan, sagabal din ito sa ilang aktibidad natin lalo na sa pagkain.

Ito ang sinolusyunan ng netizen na si Laarni Shaztine. In-upload niya ang kanyang video na habang naka-face mask ay nakakain pa rin niya ang kanyang paboritong pansit. Ang kanyang trending na diksarte, binutasan niya ang gitna ng kanyang face mask.

Kapag binubuksan niya ang kanyang bibig upang kumain, sadyang bumubukas din ang hati ng kanyang face mask kaya easy na lang din siyang makakain. Dahil sa kakaibang paandar na ito ni Laarni, agad na nag-viral sa Facebook ang kanyang video.

Habang isinusulat ang balitang ito, mayroon na itong halos 500,000 views, 6,800 reactions, 1,200 comments, at 10,000 shares. Nagbigay din ng saloobin ang mga netizens sa nakaka-good vibes na post ni Laarni.

Larawan mula sa Facebook video ni Laarni Shaztine

Ayon sa ilang netizens, bagay na bagay daw ang mask na ito sa mga kakilala nilang sa kabila ng mga nararanasang suliranin ng bansa, ay food is life pa rin at hindi maaawat sa pagkain, anumang oras at nasaan man. Siyempre, sharing is caring kaya naman hindi nila nakalimutang i-tag ang kanilang mga kaibigan at kaanak.

“Hahaha. Salamat po sa tip. Kailangan ko na itong gawin bukas. Hindi ako mahahadlangan ng coronavirus para kumain nang kumain,” pahayag ng isang netizen.

Panoorin si Laarni at ang kanyang kakaibang face mask:

✌️

Posted by Laarni Shaztine on Tuesday, February 11, 2020