Netizen hinggil sa ilong ni Liza Soberano: “Kahit hindi ganyan katangos ang ilong ko ang mahalaga ay humihinga pa ako”




Imahe mula sa Facebook page na Foodtrip in Tandem
  • Humugot ang isang netizen hinggil sa matangos na ilong ni Liza Soberano
  • Aniya, minsan ay naiisip niya na may favoritism si Lord
  • Subalit nagpapasalamat pa rin siya dahil kahit hindi kasintangos ang ilong niya kay Liza, ang mahalaga ay humihinga pa rin siya

Isa ang aktres na si Liza Soberano sa mga itinuturing na may pinakamagandang mukha sa Philippine showbiz, na napansin din sa iba pang panig ng daigdig. Sabi nga ng iba, halos perpekto raw kasi ang features ni Liza na talaga namang hinahangaan at kinaiinggitan.

Kaya naman, nauuso ngayon ang “Liza Soberano’s Nose Challenge” kung saan ginagaya ang pagpapakita ng ilong, gaya ng ginawa ni Liza, na nagpatunay lamang na napakaganda ng korte ng kaniyang ilong. Hindi naman naiwasan ng isang netizen na humugot dito, batay sa isang Facebook post na ibinahagi sa “Foodtrip in Tandem”.

Imahe mula sa Facebook page na Foodtrip in Tandem

Ayon sa hugot ng netizen,”Minsan naiisip ko rin na baka may favoritism si Lord. Pero positibo akong tao kaya nagpapasalamat pa din ako kasi kahit hindi ganyan katangos ang ilong ko, ang mahalaga ay humihinga pa ako. Sorry off topic. Nadala lang ako ng emosyon.”

Ipinakita pa niya ang larawan ng natutulog na si Liza na nakasandig sa balikat ni Enrique Gil; isa sa mga eksena sa teleseryeng “Make It With You”.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Ang gandang nilalang talaga ni Liza Soberano! Pero tama ka, hindi man katangusan ang ilong natin, ang mahalaga naman ay may ilong tayo at nagagamit natin ito para huminga. Pasalamat na rin kay Lord. Walang dapat ikatampo.”

“Noong nagbuhos yata ng biyaya ng kagandahan si Lord, nasalong lahat ni Liza. Walang naitira sa iba. Hahaha. Kidding aside, we should all be grateful sa kung anuman ang ipinagkaloob sa atin ng Poong Maykapal, matangos, pango, o karaniwan lamang ang hulma ng ilong. Ang mahalaga, we still breath!”, bulalas naman ng isa.

Huwag magtaka kung bakit napakatangos ng ilong ni Liza dahil siya ay may lahing Amerikano. Sabi nga sa isang awitin ni Florante, “Tayo’y mga Pinoy… huwag kang mahihiya, kung ang ilong mo ay pango”.

Public Domain Image

Ikaw, proud ka ba sa ilong mo?

Source :

Facebook