Naaalala mo pa ba ang kilig sa inyong first date? Maki-throwback sa ilang Kapuso couples




Imahe mula sa Pexels
  • Marami sa atin ang hindi nakalilimot sa kilig na dulot ng first date  
  • Tatlong Kapuso stars ang nagbahagi ng kanilang alaala sa first date kasama ang kanilang present partners
  • Ang pagde-date ng magkasintahan o mag-asawa ay isa sa mga nagpapatibay ng kanilang relasyon

First date ang isa sa pinaka-memorable na pangyayari sa pagitan ng magkasintahan o mag-asawa. At para sa dalawang taong nagsisimula pa lamang ang relasyon, iba ang kilig na mararamdaman sa first date.

Sa isang segment ng morning show na Unang Hirit, ibinahagi ng ilang Kapuso couples ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kanilang first date.

Mga imahe mula sa Facebook pages nina Marian Rivera at Carla Abellana

Unang nagbahagi si Carla Abellana tungkol sa naaalala niya sa kanilang first date ng kaniyang kasintahang si Tom Rodriguez. Ang naaalala umano ni Carla ay nang ipinagluto niya si Tom ng steak at pasta.

Limang taon na ang relasyon ng dalawa na parehong leading stars sa teleseryeng Love of My Life. Inamin din ni Carla na may panahon na kinikilig siya kahit titigan lang siya ni Tom o gawan siya nito ng kanta.

Ibinahagi naman ng Descendants of the Sun leading man na si Dingdong Dantes na memorable sa kanila ng asawang si Marian Rivera ang Tagaytay City dahil doon naganap ang kanilang first date.

May isang garden daw sa Tagaytay na laging binabalik-balikan nina Dingdong at Marian. Kahit abala ang dalawa sa kani-kanilang trabaho at sa pag-aalaga ng dalawang anak ay tinitiyak pa rin nila na may panahon sila para mag-date.

Excited namang ibinahagi ng leading lady ni Dingdong na si Jennylyn Mercado ang tungkol sa first date nila ni Dennis Trillo.

Sinabi ni Jennylyn na nag-bike sila ni Dennis sa itinuturing niyang first date nila. Dahil parehong may fitness goals, madalas talaga nilang bonding ang pagbibisikleta.

Imahe mula sa Facebook page ni Jennylyn Mercado

Noong Pebrero 15, nagdaos ng post-Valentine’s Day concert sina Dennis at Jennylyn. Naging matagumpay ang concert na ito.

Ikaw, ano ang naaalala mo sa first date ninyo ng iyong kasintahan o asawa?

Source :

GMA News