Maymay Entrata hinggil sa Kapamilya Network: “ABS-CBN ang naging tulay ko sa pangarap ko”




Imahe mula sa Twitter account ni Maymay Entrata/Public Domain Image
  • Labis ang pasasalamat ni Maymay Entrata sa ABS–CBN
  • Ito ang naging tulay niya sa pangarap niya na akala niya’y sa panaginip lamang matutupad
  • Umani naman ito ng iba’t ibang pagsuporta mula sa mga tagahanga ni Maymay

Sa kasagsagan ng isyu hinggil sa pagre–renew ng prangkisa ng ABS–CBN upang makapagpatuloy ito sa pag–ere ng mga palabas, hindi lamang mga empleyado nito ang nagpapahatid ng suporta, kundi maging ang mga artista at celebrity na naglilingkod dito. Isa na riyan ang aktres na si Maymay Entrata na nagsimula ang karera sa isang reality show.

Ipinahayag ni Maymay sa  kaniyang Twitter post ang pasasalamat niya sa home network na tumupad sa kaniyang mga pangarap, na hindi naman niya akalaing mangyayari.

Imahe mula sa Twitter account ni Maymay Entrata

“ABS-CBN ang naging tulay ko sa pangarap ko na kailanman di ako magsasawang magpasalamat na ako ang isa sa mga nagtagumpay sa bagay na akala ko’y hanggang panaginip lang,” ayon sa post ni Maymay.

Nanawagan ang aktres na ipagpatuloy ang pananalangin para sa Kapamilya Network upang makapagbigay pa ito ng serbisyo para sa sambayanang Pilipino.

“Sabay–sabay po nating ipagdasal na patuloy ang serbisyong nagbahagi ng biyaya, inspirasyon at pag-asa…” karugtong ng post.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Mananatili akong Kapamilya at tagahanga mo Maymay. Kasama ako sa magdarasal para sa tagumpay ng estasyong nagpakilala at nagdala sayo sa buhay ko,” ayon sa isang tagahanga ni Maymay.

Sabi naman ng isa, “We are with you in your prayers May. Continue the good work that God has started in you. And may God continue to guide you, bless you and protect you in every step you take.”

“I hope everything will be alright. Every question will be answered. Every doubts will be resolved,” turan naman ng isa.

Si Mary Dale “Maymay” Entrata ay itinanghal na grand winner ng “Pinoy Big Brother: Lucky 7” at unang Pilipinang naglakad sa Arab Fashion Week. Siya ay katambal ni Edward Barber na nakasama rin niya bilang housemate sa PBB, at tinawag na “MayWard” ang kanilang tambalan.

Public Domain Image