Kahit nasa sariling flower shop, Marian Rivera kinikilig pa rin sa bulaklak na bigay ni Dingdong Dantes




Mga imahe mula sa Instagram account ni Marian Rivera
  • May pasurpresang bulaklak si Dingdong Dantes sa asawang abala sa pag-aasikaso sa Vida Flora
  • Bagama’t napalilibutan ng mga bulaklak si Marian Rivera sa Flora Vida, iba pa rin ang kilig niya kapag ang bulaklak ay galing sa kaniyang mister
  • Ang Vida Flora ay flower shop ni Marian na personal niyang inaasikaso

Bulaklak ang isa sa mga mabebentang produkto tuwing Valentine’s Day. Ito rin ang karaniwang ibinibigay ng mga lalaki sa mga babaeng kanilang nililigawan, kasintahan, asawa, o ina. Sinumang babae ay kikiligin kapag nakatanggap ng bulaklak mula sa lalaking iniibig.

Imahe mula sa Instagram account ni Marian Rivera

Ngunit kikiligin pa ba ang isang babae na makatanggap ng bulaklak kung siya mismo ay nagtitinda ng bulaklak?

Sa lagay ng aktres at negosyanteng si Marian Rivera, may-ari ng flower shop na Vida Flora, ay kinikilig pa rin ito sa tuwing makatatanggap ng bulaklak mula sa asawang aktor na si Dingdong Dantes.

At kahit napaliligiran ito ng bulaklak sa kaniyang flower shop, may natatangi siyang damdamin sa mga bulaklak na bigay mismo ni Dingdong.

Katunayan, sa araw mismo ng Valentine’s Day ay nasurpresa si Marian nang dumating siya sa kaniyang opisina at tumambad sa kaniya ang mga bulaklak na nagmula sa kaniyang minamahal na asawa.

“This is what welcomed me in my HQ today. Even if I own a flower shop, I still get excited and happy whenever I receive flowers but this one is extra special because it’s from Dong— “Mi Amor”. Thank you for the beautiful flowers and sweet letter mahal ko,” ayon sa Instagram post ni Marian.

Sa espesyal na araw ding ito, naging abala si Marian sa personal na pag-aasikaso sa mga umoorder sa kaniya ng mga bulaklak.

Masaya si Marian dahil marami ang tumatangkilik ng kaniyang mga produkto.

Imahe mula sa Facebook paget ni Marian Rivera

“Thanks to everyone who ordered Flora Vida too for their loved ones. Happy Valentine’s day!” dagdag pa ni Marian.

Sana ay lalong lumago ang negosyo ni Marian, tulad ng paglago ng pagmamahalan nila ni Dingdong.

Source :

Instagram