Jollibee Short film tungkol sa lalaking iniwan at nakahanap ng ‘perfect one,’ trending sa socmed




Larawan mula sa video ng Jollibee Studios
  • Trending sa social media ang isa na namang Kuwentong Jollibee na sumasalamin sa isang istorya ng pag-ibig
  • Pinamagatan ang short film na ‘Space’ na tungkol sa isang lalaki na iniwan ng girlfriend at nakakilala ng panibagong magpapasaya sa kanya
  • Marami ang naka-relate at naantig sa kuwentong ito na tungkol sa paghahanap ng ‘the perfect one’

Ngayong Valentine’s Day, muli na namang pinatunayan ng fast food giant na Jollibee na hindi lamang masasarap na pagkain ang kaya nilang gawin upang mapasaya ang kanilang loyal customers. Naglabas kasi silang muli ng mga short films na sumasalamin sa iba’t ibang kulay at kuwento ng pag-ibig.

Isa sa mga short films na ipinalabas nila ay ang ‘Space’ na kinatatampukan ng kuwento ng isang lalaki na iniwan ng kanyang girlfriend dahil masyado raw itong clingy. Hindi rin daw ang lalaki ang kanyang perfect guy dahil may pagka-it girl ang image ng babae.

Larawan mula sa video ng Jollibee Studios

Noong una, hindi matanggap ni Dan na nakipaghiwalay sa kanya si Mae. Mahal na mahal niya ito at gumagawa siya ng iba’t ibang effort para lamang mapasaya ito. Hindi man pang-matinee idol ang looks ni Dan, sinisiguro naman niyang lagi siyang may paandar para kay Mae.

Pero dahil ramdam ni Mae na hindi na siya masaya sa relasyon nila ni Dan kaya tuluyan na silang naghiwalay. Dahil sa pagkabigo, minarapat ni Dan na pumunta sa Jollibee at idaan sa kain ang kanyang nararamdaman. Dito ay nakita niya ang dating ka-schoolmate na si Mitch.

Nag-umpisa ang kanilang magandang bonding hanggang sa naging sila. Ginagawa rin ni Dan para kay Mitch ang todo effort niya tulad ng ibinigay niya kay Mae. Labis naman itong na-appreciate ni Mitch kaya minahal niya na rin nang husto si Dan.

Ngunit sa kabila ng masayang relasyon nina Mitch at Dan, napagtanto ni Mae na mahal pa pala niya si Dan. Nag-usap sila at naabutan sila ni Mitch na masinsinan ang pag-uusap. Umalis si Mitch sa Jollibee nang malungkot dahil sa nakita.

Larawan mula sa video ng Jollibee Studios

Maraming netizens ang nagulat sa susunod na ginawa ni Dan. Dahil dito, nag-trending ang video sa social media at mayroon nang halos 7 million views sa YouTube habang may 17 million views naman ito sa Facebook.

Naantig at naka-relate sa kuwentong ito nina Dan, Mae, at Mitch ang mga netizens. Ayon sa kanila, minsan daw ay mahirap talagang matukoy kung ‘the one’ mo na ang kasama mo lalo na’t marami ka pang hinahanap na iba.

Curious ka ba sa naging ending ng kuwento nina Dan, Mitch, at Mae? Panoorin ang video na ito ng Jollibee Studios at makiisa sa huling tinuran ni Dan dito!

 

Source :

YouTube, Facebook