Jillian Ward, nag-ala Marimar sa dance cover at pictorial sa Instagram; sinasabing siya na ang next Marian Rivera




Larawan mula sa Instagram account ni Jillian Ward at Facebook
  • Trending ngayon sa social media ang mga larawan ni Jillian Ward na nag-ala Marimar siya
  • May in-upload rin siyang video niya na sumasayaw ng Marimar theme song sa dalampasigan
  • Payag naman ang maraming netizen kung si Jillian na raw ang next Marian Rivera ng GMA Network

Isa sa mga pinakasumikat na child star ng kanyang henerasyon si Jillian Ward. Mula nang maging top-rater ang afternoon series niyang Trudis Liit noong 2010, ay nagsunod-sunod na ang magagandang projects niya hanggang magdalaga.

Sa kasalukuyan ay napapanood siya sa number one afternoon drama na Prima Donnas bilang si Mayi.

Maliban sa mga trending na eksena ng serye niyang Prima Donnas, usap-usapan din ngayon sa social media ang mga larawan at video ni Jillian na inilabas ang kanyang inner Marimar. Nag-pictorial kasi ang teen star sa tabing dagat suot ang iconic outfit ni Marimar.

Ginaya niya ang mga tatak-Marimar poses na talaga namang bumagay sa kanya.

Larawan mula sa Instagram account ni Jillian Ward

Naglabas din siya ng isang dance cover kung saan sinayaw niya ang theme song ng Marimar sa tabing dagat. Naging sikat din ang Marimar dance noong panahon ni Thalia at nang i-remake ng GMA noong 2007.

Nagkaroon ito ng higit 420,000 views na nilagyan pa ni Jillian ng caption na ‘Mayi-mar’ na hango sa kanyang sikat na karakter sa Prima Donnas.

Dahil dito, maraming netizens ang agree na si Jillian na nga ang susunod na magiging reyna ng GMA. Approve sa kanila kung si Jillian ang susunod na magiging Marimar o bibigyan siya ng proyekto na mayroong katulad na tema.

“The next Marimar! Hindi malabo na siya na nga ang susunod kay Marian. Bukod sa maganda na ay talented pa. Mahusay pang umarte,” sabi ng isang netizen na naging instant fan ng 14-year-old Kapuso actress.

Larawan mula sa Instagram account ni Jillian Ward

Mag-ate ang turingan nina Marian at Jillian Ward na ilang beses na ring nagkasama sa mga teleserye. Ang huli ay ang Super Ma’am kung saan gumanap si Jillian bilang sidekick ng superhero na ginagampanan ni Marian. Noong taping nga nila para sa GMA Christmas station ID, nag-post pa sina Marian at Jillian ng larawan nilang magkasama.

Maliban sa pagiging abala ni Jillian sa kanyang roles sa Prima Donnas, nahihilig din sa pag-awit ang dating child star. Naglalabas siya ng kanyang cover songs sa kanyang vlog. Kinanta niya rin ang isa sa theme songs ng top rating afternoon show na kinabibilangan niya.

Panoorin ang paghataw ni Jillian ala-Marimar sa video na ito na ibinahagi ng GMA News:

Jillian Ward, Nag-ala Marimar sa beach

Si Jillian na nga ba ang susunod na Marimar?Sa kaniyang Instagram post, stunning and all grown up si Jillian Ward while channeling her inner Marimar!Kasama si Jillian sa top-rating serye na Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime. 📷:https://www.instagram.com/jillian/BASAHIN: http://bit.ly/3b7BDdA

Posted by GMA News on Monday, February 3, 2020