Hindi lang pala kasal: Divine Geronimo, hinarang din ang isang GGV episode dahil hindi raw nagustuhan ang tanong ni Vice kay Sarah




Larawan mula sa YouTube
  • Mayroon din palang hinarang na Gandang Gabi Vice (GGV) episode si Mommy Divine ni Sarah Geronimo
  • Hindi raw kasi nito nagustuhan ang pagtatanong ni Vice Ganda sa anak na si Sarah Geronimo
  • Ayon sa mga nakapanood nang live, nag-walk out pa raw noon si Mommy Divine kaya hindi na natapos ang GGV taping

Kontrobersyal ngayon ang ina ng Popstar Royalty Sarah Geronimo na si Mommy Divine dahil sa diumano’y tangkang pagharang sa kasal ng anak kay Matteo Guidicelli. Sari-sari ang bersiyon ng kuwento ngunit iisa ang sinasabi ng mga saksi na hindi nga raw pabor si Mommy Divine sa ginawang pag-iisang dibdib ng dalawang Kapamilya stars.

Sa paglabas ng balitang ito, maraming ulat pa ang lumabas kaugnay sa diumano’y ginagawang pagkontrol ni Mommy Divine maging sa karera ng anak. Isa na raw dito ay ang pagwo-walk out ni Mommy Divine sa isang Gandang Gabi Vice (GGV) guesting ni Sarah at James Reid.

Larawan mula sa VIVA

Promo sana ito nina Sarah at James para sa pelikula noong 2018 na Miss Granny. Katulad ng inaasahan, naging makulit ang panayam ng host na si Vice Ganda sa mga guest. May mga tanong din ang komedyante na patungkol sa personal na buhay katulad ng relasyon nina James at Sarah.

Pero hindi raw nagustuhan ni Mommy Divine ang pag-usig ni Vice sa ilang detalye sa relasyon nina Matteo at Sarah. Ayon sa ilang nakapanood raw ng taping noon, nabalot na raw ng tensyon sa studio nang mag-umpisa na ang pagtatanong ni Vice tungkol kay Matteo.

Hindi na nga raw natapos ang episode na iyon dahil umalis raw nang galit si Mommy Divine. Dahil din umano sa ina ni Sarah kaya raw hindi na umere ang episode na iyon para sa promo ng Miss Granny. Sa halip ay nagkaroon na lamang ng replay ang episode ng GGV isang linggo noong Setyembre 2018.

Larawan mula sa YouTube

Naging dahilan din umano ito upang hindi na mag-guest muli si Sarah sa show ni Vice. Matatandaan na noong 2019 ay nagkaroon siya ng bagong pelikula na Unforgettable ngunit kapansin-pansing walang guesting si Sarah sa GGV na lagi niya noong ginagawa sa pagpo-promote ng kanyang shows at pelikula.

Ngayong kompirmado nang magtatapos ang GGV kahit na-extend ito ng ilang episodes pa, gusto ng fans na ipalabas ng ABS-CBN ang never before seen episode na ito na kinatampukan nina Sarah at James. Puwede rin daw na i-guest na ang newlyweds na sina Matteo at Sarah sa GGV bago ito tuluyang mawala sa ere.

Pagbibigyan kaya?

Source :

Twitter, PEP