Ethel Booba sa Twitter user na pumuna sa kaniya: “Alam mo bang mas malaki ang kinikita ko sa out of town show kaysa sa guesting sa TV?




Public Domain Image
  • Sinagot ni Ethel Booba ang isang Twitter user na nagbigay ng hindi magandang komento hinggil sa kaniya
  • Nilinaw ng komedyante na mas malaki pa ang kinikita niya sa mga out of town shows kaysa sa mga TV guestings
  • Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens

Isa ang komedyante at singer na si Ethel Booba sa mga sinusubaybayan ng mga netizens pagdating sa mga witty subalit may sense niyang mga Twitter posts, na maaaring punto de vista sa mga napapanahong isyu, o banat patungkol sa mga patutsada sa kaniya ng ilang mga kilalang personalidad.

Kamakailan lamang ay naging matunog ulit ang pangalan ni Ethel matapos niyang magbigay ng matapang na reaksyon sa post ni Mocha Uson, hinggil sa senate hearing para sa franchise renewal ng ABS–CBN.

Matapos nito, sa pamamagitan ulit ng Twitter post nito noong Pebrero 23, 2020 ay binanatan niya ang isang Twitter user na nagbigay ng puna laban sa kaniya.

Imahe mula sa Twitter account ni Ethel Booba

“Magtakbo ka na lang senator, Ethel, dami mong alam, iiyak ka na ba magsasara na network mo, alam mo isa ka ring walang kwentang artista, bakit kasi kung saan ka nakikinabang, doon ka papanig… papansin ka masyado,” banat ng Twitter user na si “Noy”.

Hindi naman nagpatinag si Ethel at agad itong sinagot. Sabi niya, marami raw siyang TV guesting sa ABS-CBN na tinanggihan niya. Mas malaki pa raw ang kinikita niya sa mga out of town shows.

“Alam mo bang marami akong guesting sa ABS-CBN na inayawan? Alam mo bang mas malaki ang kinikita ko sa out of town show kaysa sa guesting sa TV?”, ayon sa Twitter post ni Ethel.

Dagdag pa niya, “Di mo alam iyan, kasi kahit extra na punongkahoy hindi ka kukunin sa anumang show. Charot!”

Naaliw naman ang mga Twitter users at nagbigay ng komento hinggil dito.

Sabi ng isa, “Ibang klase level mo mamsh. After Coco Martin and Angel Locsin, ikaw naman ang ina-attack ng mga trolls ni Kumareng Mocha mo. Pero hindi ka nila kaya. Hindi nila mapapabagsak ang isang Ethel Booba.”

“Hi Ethel! Focus your energy sa baby mo instead of replying sa mga walang magawa. Congratulations!” payo naman ng isa.

Public Domain Image

Isinilang ni Ethel ang kaniyang anak na tinawag niyang “Little Booba” noong Pebrero 14, 2020, sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso. Ayon kay Ethel, papangalan nila ng kaniyang partner na si Jessie Salazar ang kanilang little girl na “Michaela”.

Source :

Twitter, Twitter