Annabelle Rama, ibinahagi ang pinakamalaking kasalanan na nagawa sa kaniya ng anak na si Ruffa Gutierrez




Image via @abscbnggv | Instagram Image via @iloveruffag | Instagram
  • Walang pagdadalawang-isip na sinabi ni Annabelle Rama kung ano ang pinakaayaw niyang ginagawa ng anak na si Ruffa Gutierrez sa kaniya
  • Sa guesting nito sa programang Gandang Gabi Vice, sinabi ni Annabelle na sinusuway ng kaniyang anak ang kaniyang mga payo pagdating sa pag-ibig
  • Tinawag rin nito ang kaisa-isa nitong anak na babae na “b0bo” pagdating umano sa lalaki

Matapang na sinagot ni Annabelle Rama ang tanong tungkol sa naging pinakamabigat na kasalanan ng kaniyang anak na si Ruffa Gutierrez sa kaniya.

Image via @abscbnggv | Instagram

Sa episode ng Gandang Gabi Vice noong February 16, pinapili ni Vice Ganda si Annabelle kung gagawin nito ang challenge sa kanilang segment na “Sagot o Lagot” o kaya naman ay sasagutin na lamang ang tanong na inihanda ng kanilang programa.

Sa halip na magbigay ng isa sa kaniyang mga suot na alahas sa masuwerteng audience member, mas pinili ni Rama na sagutin na lamang ang katanungan ng host tungkol sa kaniyang anak na si Ruffa.

Walang pag-aalinlangan nitong sinabi kung ano ang pinakamabigat na kasalanan na ginawa sa kaniya ng kaniyang kaisa-isang anak na babae.

“Si Ruffa, mabait naman talaga iyan. Siyempre mahal ko kasi only daughter. Pero ‘yung mga ayaw ko, sinusuway niya,” sabi nito.

Pagpapatuloy niya, “Unang-una, sabi ko sa kanya maghanap siya ng boyfriend na bubuhay sa anak niya at sa kanya. Hindi siya kailangan magtrabaho kasi matalino naman siya, maganda. Hindi naman siya b0bo. Ang ayaw ko lang, pagdating sa lalaki, talagang b0bo talaga siya.”

Ayon dito, nagiging “b0bo” ang kaniyang anak pagdating sa pag-ibig at sa pagpili sa lalaking mamahalin.

Image via @iloveruffag | Instagram

Matatandaan na una nang pinrank ni Ruffa ang kaniyang ina sa parehong segment ng GGV.

Doon nakita ng viewers kung paano magbigay ng payo at pagalitan ni Annabelle ang kaniyang anak sa usapang may kinalaman sa pag-ibig.