Yorme Isko sa mga kritikong pumupuna sa pagtulong ng Maynila sa Batangas: “Huwag ako!”




Public Domain Image
  • Sinabi ni Mayor Isko Moreno Domagoso na huwag bahiran ng pamumulitika ang ginagawang pagtulong ng Maynila sa Batangas kaugnay ng pagsabog ng Bulkang Taal
  • Wala raw siyang planong tumakbo bilang pangulo sa susunod na presidential election
  • Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens

Pinakiusapan ni Yorme Isko Moreno Domagoso ang mga kritiko niya na tigilan na ang pamumulitika at pamumuna sa ginagawang pagtulong ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas.

“Kung kayo naman ay kinakabahan, hindi po ako tatakbong presidente. Para mapanatag kayo, hindi po. Huwag ako,” deretsahang sabi ni Yorme.

Public Domain Image

Umani naman ito ng mga komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Sa mga Manilenyo muna ang batang Maynila. Marami pang dapat ayusin sa Maynila. At  dapat tuloy–tuloy ang nasimulan para masanay sa tamang gawain at asal.”

“A true efficient and effective leader seeks his or her communities safety and needs first before seeking power over popularity by giving help to others. It’s not about him always, it’s about the people who needs assistance amidst the current situation,” turan naman ng isa.

Komento naman ng isa, “I heard something similar years ago. When Digong strongly refused to run for presidency until the last minute. Well, whether too early or in time, only time and his character can really tell. Options are open. Come what may, we hope for better and wiser Filipinos, and a better Philippines.”

“What you have done and is still doing for Manila must continue. All your dream projects must be put to realization. You definitely is qualified to be president in due time. You are still young. Let Bagong Maynila be the template of what a city should be and how it should be rightfully managed. More power idol,” papuri naman ng isa.

Public Domain Image

Samantala, isang netizen naman ang nagsabing hindi pa “hinog” si Yorme kung sakaling tumakbo siya sa pagka–pangulo.

“He is good in being a Mayor, let him be. Finish his full term (3 or 4 terms?) Manila needs him. Too early to say, but he is still young to be a President. Baka mamaya magsisi na naman tayo from Mayor to President.”

Sa ngayon, mahusay ang pamamalakad ni Yorme Isko batay sa feedback ng mga Manilenyo kaya hayaan natin siyang mamuno sa kaniyang nasasakupan, habang tinutulungan ang ibang bayan. Kudos, Yorme!