Walang Forever? Mga showbiz hiwalayan na gumulat sa fans bago ang tambalang James Reid at Nadine Lustre




Larawan mula sa Facebook
  • Pinag-usapan ang hiwalayan nina Nadine Lustre at James Reid
  • Ngunit bago pa man ang hiwalayang ito ay marami pang breakup na gumulat sa mga Pilipino
  • Ang mga paghihiwalay na ito ay bumuo ng iba’t ibang kontrobersya at haka-haka

Ginulat ng tambalang James Reid at Nadine Lustre ang sambayanan nang opisyal nitong ianunsiyo ang kanilang paghihiwalay at pagtatapos ng kanilang halos limang taong relasyon. Maikli lamang ang naging statement ng dalawa na ipinalabas sa Tonight with Boy Abunda.

Ngunit hindi na bago ang mga hiwalayan sa showbiz. Sa katunayan, bago pa ang JaDine, marami na ring relasyon ng mga showbiz personality ang natuldukan na gumulantang sa madla at inulan ng kontrobersiya.

Narito ang ilan sa mga pinag-usapang breakup na nagpasabi sa mga Pinoy na ‘walang forever.’

Larawan mula sa Facebook

Dingdong Dantes at Karylle

Naging matagumpay din ang tambalan nina Dingdong at Karylle na sinubaybayan pa sa telefantasyang Encantadia. Ngunit matapos ang tatlong taon, nang maputol din ang tambalan nila, ay natapos na rin ang kanilang relasyon.

Hindi rin inamin ng dalawa ang tunay na rason ng kanilang breakup ngunit ayon sa isang panayam kay Dingdong, magkaiba lang daw noon ang kanilang priorities. Nadawit din sa kontrobersya ang katambal ni Dingdong na si Marian na kalaunan ay naging misis din niya. Kasal na rin ngayon si Karylle kay Yael Yuzon ng Spongecola.

Larawan mula sa GMA News

Catriona Gray at Clint Bondad

Relationship goals kung ituring ng netizens sina Catriona at Clint. Sa Instagram kasi, si Catriona lang ang fina-follow ni Clint at suportado nila ang isa’t isa sa kanilang mga gawain, kabilang ang pagsali ni Catriona sa Miss Universe na napanalunan naman niya.

Ngunit ang anim na taong relasyon nila ay natuldukan din ilang buwan matapos itanghal na Miss Universe si Catriona. Marami ang nagulat dahil kasama pa si Clint sa Thailand kung saan ginawa ang pageant. Hindi naman nilinaw ng dalawa ang tunay na rason at gusto raw nilang maging pribado.

Larawan mula sa Facebook

Billy Crawford at Nikki Gil

Marami din ang humahanga noon kina Billy at Nikki dahil maliban sa kanilang relasyon ay mahusay din silang performer ng musical variety show na ASAP. Ngunit ang kanilang halos limang taong pagsasama ay natuldukan din. Noong una ay hindi pa inaamin ng sinuman sa dalawa ang tunay na rason, ngunit ayon sa isang panayam kay Nikki, sinabi nitong niloko raw siya ni Billy kaya sila nagkahiwalay.

Kasal na ngayong parehas sina Nikki at Billy at may kanya-kanya nang buhay. Kasal na si Billy kay Coleen Garcia habang si Nikki naman sa kanyang schoolmate na si BJ Albert at mayroon na ring anak.

Wala nga bang forever?

Well, hindi naman sa ganoon. Nagkataon lang na minsan sa buhay, ang ka-forever mo pala ay hindi ‘yung mas una mong minahal!