Tulad ni Yorme: Anak ni Isko Moreno na si JD Domagoso, idinonate ang kanyang talent fee para sa Taal evacuees




Larawan mula sa Instagram account ni JD Domagoso at FB video ni Isko Moreno
  • Nag-donate ng P50,000 ang anak ni Isko Moreno na si JD Domagoso para sa mga Taal evacuees
  • Galing ito sa kanyang talent fee bilang performer sa GMA musical shows
  • Natuwa at proud na proud naman si Yorme sa ginawang ito ng kanyang 17-anyos na anak

Maliban sa mga magagandang proyekto para sa Lungsod ng Maynila, hinahangaan din si Mayor Isko Moreno dahil sa kanyang mga donasyon mula sa ilang endorsements. Mula kasi nang maging maugong ang pangalan niya mula sa magandang pamamalakad sa Maynila, dumagsa rin ang endorsements ni Isko.

At ang mga talent fee na nakukuha niya mula sa endorsement, kabilang ang pagiging ambassador ng Belo Medical Group, Pascual Lab, at Jag Jeans, ay ibinigay niya sa mga nasalanta ng lind0l na naganap sa Mindanao at sa pagpapaganda ng Philippine General Hospital.

I-click ang larawan upang mapanood ang video ni Isko Moreno

Ngayon naman, pinabibilib din ng anak ni Yorme Isko na si JD Domagoso ang maraming netizens dahil siya naman ang nag-donte ngayon ng kanyang talent fee para sa Taal evacuees. Isa na ring contract artist ng Kapuso network si JD kaya naman kumikita na ito ng sarili niyang pera.

Sa isang Facebook live ni Isko sa kanyang official page, isinalaysay ng 17-anyos na si JD ang nagtulak sa kanya upang ibahagi ang kanyang naipong talent fee bilang isang performer ng mga musical shows ng GMA na Studio 7 at All Out Sundays.

“May nakita akong story sa Facebook, isang bata, parang gusto lang tumulong. Umalis siya sa bahay nila ng gabi para lang makatulong sa Taal relief operations. ‘Tas pagbalik niya, tapos natamaan siya ng truck. Alam mo ‘yung tutulong ka na lang tapos ikaw pa ‘yung nadamay sa huli,” sabi ni JD sa ama.

“So napaiyak lang ako. Parang the least that I can do is to give money for the Taal operations,” dagdag pa ni JD na nagbigay ng P50,000.

Larawan mula sa Instagram account ni JD Domagoso

Proud na proud naman si Isko sa kanyang anak na sa murang edad nito ay naisipan nang tumulong. Agad ring ibinigay ni JD ang tseke sa ama na nakapangalan sa lalawigan ng Batangas na napinsala ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

“Very good! Thank you, Joaquin ah… Kinita niya yan sa pagsasayaw sa GMA 7,” sabi ni Isko sa kanyang anak na humalik naman sa kanya matapos iabot ang tseke.

Maraming netizens din ang natuwa kay JD. Isa raw itong patunay na hindi lamang isang mabuting lider si Isko kung hindi isang huwarang ama rin sa kanyang mga anak.