Sino ang pinakamasuwerte? Ilang Kapuso stars, hinulaan ang kapalaran sa 2020




Mga imahe mula sa kani-kanilang Facebook page
  • Ayon sa paniniwala ng mga Tsino, ang 2020 ay Year of the Metal Rat
  • At sa pagsisimula ng bagong taon, maraming Pilipino rin ang kumukunsulta sa mga psychic at feng shui experts
  • Hindi rin mawawala ang paghula sa magiging kapalaran ng mga hinahangaan nating artista

Sa isang segment ng Unang Hirit, nagbahagi ng kaniyang hula ang psychic at feng shui consultant na si Suzette Arandela hinggil sa magiging kapalaran ng ilang artista ng GMA 7.

Siyempre, kabilang sa mga artistang hinulaan ay ang ‘prime time king and queen’ na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Imahe mula sa Facebook page ni Marian Rivera

Ang mag-asawa na limang taon nang kasal ay lalo pa umanong titibay ang pagsasama. Lalo raw aarangkada ang career ni Dingdong habang si Marian ay mas magpopokus sa kanilang pamilya.

Ang ‘pambansang bae’ na si Alden Richards ay magpapatuloy pa umano ang magandang kapalaran sa showbiz. Magiging aktibo rin umano ang love life nito ngunit sa isang non-showbiz personality.

Magpapatuloy pa rin umano ang suwerte ni Maine Mendoza kahit nakikita ni Arandela na may kaunting pagbagal sa career nito. Gayunman, magiging blooming pa rin ang love life ni Maine at posible rin daw na magpakasal na ang dalaga.

Mananatili rin sa spotlight ang career ni Vic Sotto, maging ang Eat Bulaga, ngunit nagbabala si Arandela na kailangang pag-ingatan ni Bossing ang kanyang kalusugan. May paparating pa raw na baby sa buhay nila ng kaniyang asawa na si Pauleen Luna.

Taon pa rin ito ni Heart Evangelista at asahan ang pagdadalantao ng magandang misis ni Governor Chiz Escudero.

Ang bagong panganak namang si Solenn Heussaff ay mananatiling masuwerte ngunit mas magtutuon daw muna ito sa kaniyang anak. May posibilidad din umano na manirahan ito sa ibang bansa.

Mas iigting naman umano ang pag-iibigan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na magkakaroon ng love concert sa Pebrero 15. Ngunit binigyang-diin ni Arandela na wala pa ring kasalang magaganap sa pagitan ng dalawa.

Imahe mula sa Facebook page ni Jennylyn Mercado

Sa kabilang banda, posible raw na magpakasal sa taong ito sina Megan Young at Mikael Daez na halos walong taon na ang relasyon.

Kabilang pa sa mga artistang magiging masuwerte ang 2020 ay sina Rita Daniela, Ken Chan, Bianca Umali, at Kyline Alcantara.

Source :

YouTube