Proud lola’s boy: Binata pinasaya ang kaniyang lola sa pamamagitan ng pagsayaw ng ‘Tala’




Imahe mula sa Facebook video ni Ely Cellan
  • Marami ang humanga sa dance cover ni Ely Cellan para sa kantang “Tala” ni Sarah Geronimo
  • Inalay kasi ng binata ang kaniyang pagsasayaw sa kaniyang lola na makikitang naka-wheelchair na
  • Sa video, mararamdaman naman ang labis na sayang idinulot ng “Tala” performance ni Ely sa kaniyang lola

Viral sa social media ang dance cover ng isang binata para sa kantang “Tala” na unang pinasikat ni Sarah Geronimo.

Imahe mula sa Facebook video ni Ely Cellan

Bukod sa galing nito sa pagsasayaw, madarama sa dance cover ni Ely Cellan ang kaniyang labis na pagmamahal para sa kaniyang lola na makikitang naka-wheelchair na.

“Ikaw naman sayawan ko, lola. Tala, Tala ulit,” ayon sa caption ng kaniyang Facebook video noong January 8.

Ayon kay Ely, inalay niya ang kaniyang pagsasayaw sa kaniyang pinakamamahal na lola na siyang nanonood sa kaniya.

Sa video, makikita naman ang labis na pagkatuwa ng matanda sa performance ng kaniyang apo. Pinilit rin nitong pumalakpak kahit na hirap siya sa paggalaw para lang maipabatid ang kaniyang pagka-proud kay Ely.

Marami namang netizens ang naantig sa video at nagpahayag ng kanilang reaksiyon sa social media.

“Ang sweet naman ng batang iyan sa kaniyang lola,” sabi ni BC

“Ang galing naman. Sana ganiyan lahat ang mga apo,” ani NCE.

“Ang saya ni lola. Namiss ko tuloy ang Inang Pinang ko. Kapag kaming mga apo niya kumakanta naman, sobrang proud ‘yun,” ayon naman ni JOP na inalala ang kaniyang lola matapos mapanood ang video.

“Nakaka-bless naman. Diyan mo makikita kung gaano kabuti ang isang bata para sa kaniyang lola. At si lola alam ko happy happy iyan sa pakiramdam para sa apo. God bless, kuya at lola.” sabi naman ni AMR.

I-click ang imahe para panoorin ang video

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 3.3 million views ang pagsasayaw na ito ni Ely sa kaniyang lola. Mayroon na rin itong 149,000 reactions at 68,000 shares sa Facebook.

Source :

Facebook