Philippine Eagle, naispatan sa Bundok Apo sa Davao City




Imahe mula sa Facebook page ng Philippine Eagle Foundation/Public Domain Image
  • Naispatan ang isang juvenile Philippine Eagle sa isang puno sa kagubatan ng Bundok Apo
  • Kabilang ang Philippine Eagle sa mga hayop na itinuturing na nanganganib na mawala ang lahi o “endangered species”
  • Hinikayat ng Philippine Eagle Foundation o PEF ang publiko na makiisa sa kanilang pangangalaga sa mga agila upang hindi ito tuluyang mawala at masilayan pa ng mga susunod na henerasyon

Isang Haribon o juvenile Philippine Eagle ang naispatang nakadapo sa isang puno sa kagubatan ng pinakamataas na bundok, hindi lamang sa Davao, kundi sa buong Pilipinas: ang Bundok Apo.

Isang larawan ng itinuturing na pambansang ibon ng Pilipinas ang naka–post sa Facebook page ng Philippine Eagle Foundation o PEF noong Enero 22, 2020 na nagdulot ng positibong reaksyon mula sa mga nature lovers at netizens.

Imahe mula sa Facebook page ng Philippine Eagle Foundation

Ayon sa caption, “Great news! Another juvenile Philippine Eagle was discovered recently in the forests of Mt. Apo! The eagle, estimated to be around a year old, was found thanks to the efforts of our hardworking forest guards.”

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens. Panalangin ng isa, “I pray that these majestic creatures be protected from the insensitivity of man, and for them to flourish…”

” I pray he/she catches lots of prey, finds his/her soulmate and have lots of chick, and live a long and healthy life for more generations to witness,” asam naman ng isa.

Hiling naman ng isa, “This bird represents our country, that’s why we need to protect them from any harm, a harm come from our fellow Filipinos. Thanks to the people who put their efforts to save this majestic bird from extinction. Sana po patuloy silang maprotektahan.”

Hinihikayat ng PEF ang publiko na tulungan silang pangalagaan ang mga agila sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon upang makadagdag sa kanilang pondo. Tinatayang may 400 pares na lamang ng mga agila sa mga kagubatan. Itinuturing na itong “endangered species” na makikita na lamang sa Luzon, Samar, Leyte at Mindanao.

Public Domain Image