Paalala ng Air Traveller PH: “Ang pagkansela ng mga flights sa NAIA dahil sa Bulkang Taal ay para sa inyong kaligtasan”




Imahe mula sa Facebook page ng Air Traveller PH/Public Domain Image
  • May paalala ang Air Traveller PH sa mga pasaherong nakansela ang flights dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal
  • Anila, hindi kasalanan ito ng mga airline personnel
  • Naglagay pa sila ng hugot na “Ang eroplano at volcano ash ay parang ikaw at si crush, not meant for each other”

Bukod sa mga pamilya at residente, maraming mga sektor ang naapektuhan din ng pagsabog ng Bulkang Taal, kabilang na ang mga paliparan. Kaya naman, nagpaalala ang Air Traveller PH sa mga pasahero na “cool lamang” at huwag magalit sa mga airline personnel at maging sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport sa pagkabalam o pagkansela sa mga flights.

Batay sa kanilang Facebook post, idinaan nila sa “hugot” ang kanilang paalala. “Paalala lang. Hindi po kasalanan ng mga airline flight crews, ground crew, airline personnel, at NAIA kung bakit pumutok ang Taal Volcano. Huwag magalit sa kanila! Ang eroplano at volcano ash ay parang ikaw at si crush, not meant for each other.

Imahe mula sa Facebook page ng Air Traveller PH

Nakalagay rin sa caption na “Isang paalala lang! Ang pagkansela ng mga flights sa NAIA ay para sa inyong kaligtasan. Huwag masyado makasarili. Isipin ninyo na lang na mas mabuti at ginagawa ng mga airline ang lahat para ligtas kayo sa kapahamakan.”

Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens.

Ayon sa isa, “Ang nagagalit are NAIVE and IGNORANT passengers. VERY IGNORANT. Flight cancellation due to volcano eruptions means putting your safety first. Hindi nila kasalanan. It might even take days before flights will resume to normal.”

Dagdag pa niya, “Airlines won’t gamble their million dollar aircraft to fly if runways are still not free from ashes dahil may impact yan sa makina ng eroplano. This is an act of God which is completely beyond the control of airlines.”

Public Domain Image

“Oo naman, hindi naman talaga kontrolado ng airlines ang acts of God eh. Saka it’s better to be safe than sorry. Kaya huwag nang masyadong mag–iinarte mga nagrereklamo diyan dahil sa flight cancellations,” pagsang–ayon naman ng isa.

Punto naman ng isa, “Ang mali kasi hindi na nila inaasikaso nang maayos ‘yung mga passengers ng cancelled flights! Hindi nagagalit dahil na–cancel kundi parang naging chance passenger na lang.”

Sa lahat ng ito, maging mas malawak pa sana ang pang–unawa ng mga pasahero dahil mas mahalaga ang kaligtasan ng bawat isa.

Source :

Facebook