Ogie Diaz binisita si Raffy Tulfo sa set ng sikat niyang radio show; nagkaroon ng one-on-one interview




Larawan mula sa video ni Ogie Diaz
  • Aliw ang mga netizens sa naging pagdalaw ni Ogie Diaz sa sikat na radio show ni Raffy Tulfo
  • Nakita ni Ogie kung paano nagaganap ang mga trending na eksena sa show na ito ni Raffy
  • Nagkaroon pa sila ng one- on-one interview kung saan maraming naging rebelasyon ang idol ng masa

Kilala ang comedian at radio personality na si Ogie Diaz sa kanyang diretsahang pagtatanong sa kanyang mga nakakapanayam. Makailang ulit na rin siyang naging host ng ilang talk show at kasalukuyang isang radio show host para sa DZMM.

Nag-umpisa na rin si Ogie ng kanyang sariling vlog at marami na rin ang kanyang followers. Sa vlog na ito ay naipapamalas niya ang kanyang pagiging komedyante at isang nakaaaliw na host. At ang pinakabagong guest niya nga sa kanyang vlog ay ang idol ng bayan na si Raffy Tulfo.

Larawan mula sa video ni Ogie Diaz

Dumalaw sa TV5 si Ogie kahit kilala siyang Kapamilya. Sinamahan siya ng kanyang mabuting kaibigan na si Cristy Fermin na kilalang malapit kay Raffy. Natunghayan ni Ogie kung paano nagaganap ang mga trending na tagpo sa show na Raffy Tulfo in Action.

Ipinakilala rin ni Raffy ang kanyang staff kay Ogie. Napagkuwentuhan nila kung anong klaseng boss ba si Raffy sa kanyang staff. Tahasang sinabi ng trending radio show host na istrikto siya sa kanyang staff upang hindi magpetiks ang mga ito sa kanilang trabaho. Nagbibigay naman siya ng pabuya sa mga ito kung maganda ang kanilang performance.

Matapos ang trabaho niya sa kanyang radio show, nagkaroon ng one-on-one interview si Ogie kay Raffy at dito ay naitanong niya ang ilang bagay patungkol sa mga pinagdaraanan nito sa pagpapatakbo ng sikat niyang show.

Unang naitanong ni Ogie ang kalusugan ni idol Raffy dahil araw-araw itong humaharap sa suliranin ng mga dumudulog sa kanya. Sabi naman ng host, hindi na raw niya nararamdaman ang pag0d dahil enjoy naman siya sa kanyang ginagawa.

Larawan mula sa video ni Ogie Diaz

Ibinulgar din ni Raffy kay Ogie ang nagagasta niya araw-araw sa kanyang show na ipinamimigay niya sa mga pumipila at nakapapasok sa kanyang programa. Mababa na raw ang P30,000 na gastos niya sa isang araw sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Nilinaw din ni Raffy na wala siyang intensiyong maging isang politiko dahil madalas daw na binabatikos ito sa kanilang gawain. Nakabantay daw kasi ang madla sa lahat ng kilos, lalo na sa mga binibili ng isang politiko. Maayos naman daw ang kita niya sa kanyang show kaya kontento na siya sa kasikatan at paghangang nakukuha rito.

Panoorin ang panayam ni Ogie kay Raffy!