Nostalgia: Nagupitan ka na rin ba ng “bangs” noong bata ka?




Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila/Public Domain Image
  • Naghatid ng nostalgia ang larawan ng isang batang ginupitan ng “bangs”
  • Wala umanong batang 70’s at 80’s na hindi nagupitan ng bangs ng kanilang magulang
  • Marami sa mga netizens ang nakaugnay at nagbahagi ng kanilang karanasan hinggil dito

Marami sa atin ang nakagiliwan ng mga nakatatanda noong musmos o paslit lamang tayo. Isa sa mga nagpapa–cute sa mga “chikiting” ang istilo ng kanilang gupit o hairstyle. Kung hairstyle din lang ang pag–uusapan, nariyan ang paglalagay ng “bangs” o pantay–pantay na gupit ng buhok sa bandang noo.

Kaya naman, nakaramdam ng nostalgia ang mga netizens sa ibinahaging post sa Facebook page na Memories of Old Manila na nagmula naman sa isang nagngangalang “Rose Sison”. Wala raw mga batang 70’s, 80’s, at maging 90’s na hindi nagupitan ng bangs ni Nanay, mapa–lalaki man o babae.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Natuwa naman ang mga netizens sa larawan kaya hindi nila napigilan ang magkomento, lalo na ang mga nakaranas nito.

“Reminds me of my haircut during my childhood. Nagkakaiyakan pa kami ng Nanay ko kasi nagtatago talaga ako sa kaniya hahahaha,” sabi ng isa.

Pagsasalaysay naman ng isa pa, “Naalala ko noon, ginupitan ako ng Nanay ko noong Grade 1 pa lang ako, parang bao ng niyog yung buhok ko, hahahaha.”

“Never forget bangs hahaha. One week akong hindi lumabas ng bahay dahil sobrang ikli ng bangs na pinutol ng Mama ko! Relate much! Hahaha…” sabi naman ng isa.

Pagbabahagi naman ng isang magulang na gumupit din ng buhok ng kaniyang mga anak noon, “Lahat ng anak ko, ganiyan ang buhok nila kasi ako lang ang gumugupit, menos gastos pa!”

Ang salitang bangs ay nagmula umano sa terminong “hair cut bang-off”. Nakaaaliw at cute na cute daw kasing tingnan ang mga batang may bangs kaya ito ang madalas na ginagawang hairstyle sa mga bata noon at magpasahanggang ngayon.

Public Domain Image

Relate–much ka ba?