‘No one should be left behind’: Libreng boarding, pagkain para sa mga alagang hayop ng evacuees, alok ng netizen




Imahe mula kay Edsel Pagcaliwangan Paredes | Facebook
  • Kinilala sa social media ang tulong na inaalok ng isang netizen para sa mga hayop na naapektuhan din ng pag-alburoto ng Bulkang Taal
  • Libreng patutuluyin at pakakainin ni Edsel Pagcaliwangan Paredes ang ilang mga alagang hayop ng evacuees hanggang sa maging maayos ang sitwasyon sa kanilang lugar
  • Marami naman ang humanga sa kabutihang-loob nito para sa mga hayop na siyang nangangailangan ng sapat na pagkain at ligtas na matutuluyan sa panahon ng kaguluhan

Patuloy man ang pagbabadya ng Bulkang Taal sa mga residente sa Batangas at sa mga kalapit nitong bayan, hindi naman nito mapipigilan ang diwa ng bayanihan na siyang taglay ng mga Pinoy.

Imahe mula kay Edsel Pagcaliwangan Paredes | Facebook

Sa Facebook, pinasalamatan ng netizens si Edsel Pagcaliwangan Paredes dahil sa kagustuhan nitong makatulong sa mga naapektuhan ng pag-alburoto ng Bulkang Taal.

Sa kaniyang post noong January 13, sinabi ni Edsel na handa siyang patuluyin at pakainin nang libre ang mga alagang hayop ng mga evacuees hanggang sa maging maayos ang sitwasyon sa kanilang lugar.

“Kung may kilala po kayo na nangangailangan ng temporary shelter na [may] mag-aalaga ng kanilang mga pets na apektado ng Bulkang Taal ay bukas po ang aking kennel para sa libreng boarding at pagkain until such time na maging okay na ang sitwasyon,” ani Edsel sa post.

Dagdag nito, “No one should be left behind. Let us save our pets.”

Marami ang sumaludo sa kaniya dahil na rin sa hangarin nitong mapangalagaan ang kaligtasan ng mga hayop sa gitna ng kaguluhan. Todo rin ang pasasalamat ng netizens dahil may taong handang magbigay ng pagkain at ligtas na matutuluyan sa mga hayop na apektado rin ng pag-alburoto ng bulkan.

“Godbless you, boss. Isa kang tunay na may malasakit sa mga hayop. Maraming salamat po. Susuklian ka rin ng blessing sa ginawa mo. Maraming salamat, idol,” sabi ni AG.

Imahe mula kay Edsel Pagcaliwangan Paredes | Facebook

Ilang rescuers naman ang nagpadala ng mensahe sa comment section ng post ni Edsel upang ipaalam dito ang plano nilang pagdala sa lugar ng mga hayop na kanilang na-rescue.

“Sir, magrescue kami ng mga naiwang dogs bukas sa Batangas. Kapag napuno iyong shelter na pagdadalhan namin, magdala kami ng iba dogs diyan,” ani JMEG.

Imahe mula kay Edsel Pagcaliwangan Paredes | Facebook

Patuloy rin na ina-update ni Edsel ang netizens tungkol sa kalagayan ng mga asong nadala na sa kanilang lugar sa Magallanes, Cavite. Makikita ang mga larawan ng mga hayop sa comment section ng kaniyang post.

Source :

Facebook