Netizen, may pagwawasto: Ang “vetsin” ay isang brand name ng produkto




Imahe mula sa Facebook account ni Bonee Bagaipo/Public Domain Image
  • Itinuwid ng isang Facebook user na ang “vetsin” ay brand name
  • Ayon sa maraming netizens, nakasanayan na ito ng lahat kaya hindi na dapat pang baguhin
  • Ang tinutukoy na vetsin ay “monosodium glutamate” o MSG na tinatawag ding umami seasoning

Nakarinig ka na ba mula sa isang suking bumibili sa tindahan na nagsabing “Pabili nga po ng Colgate” sa pagbili niya ng tinging toothpaste, o kaya naman ay “Pabili naman po ng Lucky Me, yung Payless” sa pagbili ng instant noodles? Marami talagang mga brand names ang nagagamit na pantukoy sa produktong kinakatawan nito.

Kaya naman, isang nagngangalang “Bonee Bagaipo” ang nagpaalala sa mga kapwa netizens na ang “vetsin” ay hindi tawag sa mismong produkto, kundi ito ay brand name ng monosodium glutamate o MSG, o tinatawag ding “umami seasoning”, ayon sa kaniyang Facebook post. May caption itong “Always Remember: VE-TSIN is a Brand (name). Aji-No-Moto is NOT A VETSIN.”

Imahe mula sa Facebook account ni Bonee Bagaipo

Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens. Turan ng isa, “You can’t blame, we’re used to it. Should we stop and said ‘monosodium glutamate’ instead? I don’t think so.”

“According to my research, people been calling it betsin or vetsin because it is too long to say the monosodium glutamate, or if we ask the saleslady where is the MSG, the saleslady won’t recognize it. For me, okay lang naman siguro iyan, basta nagkakaintindihan tayo,” sabi naman ng isa.

Komento naman ng isa, “Una sa lahat, tama ka naman, na brand talaga iyon, pero it makes us easier sa mga Pinoy na tawaging vetsin ito, ang hirap naman kasing sabihin o i–utos yung ‘NAK! Kunin mo nga sa kusina yung monosodium glutamate!”

Ang “Tien Chu Ve–Tsin” ay Chinese manufacturer ng honey by-products, food chemicals at additives katulad ng  monosodium glutamate o MSG. Kakumpetensiya ito ng Aji–No–Moto mula naman sa bansang Japan. Sa Pilipinas, ang Aji–No–Moto ang “household name” o tinatangkilik na brand name para sa MSG.

Ang monosodium glutamate o umami seasoning ay gawa sa crops tulad ng sugarcane o tubo, cassava at tapioca. Ginagamit ito bilang pampalasa o rekado sa mga lutong pagkain. Sinasabing nakasasama naman sa kalusugan kapag nasobrahan ang paggamit nito.

Public Domain Image

Bukod sa mga nabanggit na halimbawa sa itaas, ilan pa sa mga brand name na madalas maipagkamaling gamitin ay ang “Xerox” para sa photocopy, “Frigidaire” para sa fridge o refrigerator, “Safeguard” para sa sabong panligo, “Tide” para sa sabong panlaba, at marami pang iba.