Naranasan mo na bang sumakay sa kahoy at laruang scooter?




Public Domain Image
  • Bumalik sa nakaraan ang mga netizens sa ibinahaging larawan ng laruang scooter na yari sa kahoy
  • Madalas itong ginagamit ng mga batang 70’s, 80’s at 90’s bilang laruang sasakyan noon sa mga lansangan
  • Ito ang uso noon bago pa man sumikat ang mga e–bike, motorsiklo, rover boards, at electric scooter

Bukod sa mga gadgets at makabagong kagamitan, nagsulputan na rin ang iba’t ibang makabagong sasakyan na sinisimulan na ring bilhin at tangkilikin ng mga commuters. Kung dati ay karaniwang bisikleta lamang ang ginagamit, ngayon ay may e–bike na. Isa rin sa kapansin–pansin ang pagdami ng mga taong gumagamit ng motor at scooter upang mas mapabilis ang pagbyahe at makaiwas sa labis na trapiko.

Bago pa man mauso ang mga e–bike, motorsiklo, rover boards, at electric scooter, isa sa mga kinahiligan ng mga bata noon ang paglalaro at pagsakay sa improvised scooter na gawa sa kahoy. Nanumbalik ito sa alaala ng mga netizens na nakaranas na laruin at sakyan ito dahil sa Facebook post ng nagngangalang “Jeremias Julian” sa page na Memories of Old Manila.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Aniya, “Ang scooter natin noon na saksi ng ating kabataan…”

Natuwa naman ang mga netizens sa larawang kanilang nakita. Nagbahagi rin sila ng kanilang mga karanasan hinggil dito. Sabi ng isa, “Yes I remember that! Kami–kami ng barkada ko gumagawa ng scooter na gawa sa kahoy at ang gulong na gamit namin kakarag–karag. Those were the days. Nakakamiss lang!”

“Diyan ako natuto mag–repair ng sahig namin noong araw. Hilig ko kasing gumawa ng ganyan. Malaking bearing sa harapan mas maganda,” kuwento naman ng isa.

Pagbabahagi naman ng isa, “Mga kapitbahay at mga aso ang humahabol sa amin kapag kaming tropa ang dumaan. Hahaha. Masarap maging MAKULIT noon! Hindi ko lang alam kung may gumagamit pa niyan ngayon.”

Public Domain Image

Ikaw, naranasan mo na bang sumakay sa scooter na ganito?

Source :

Facebook