Mga bagong foam na higaan, handog ng Uratex Foundation sa mga evacuees




Imahe mula kay Oskie Victoria Declines | Facebook
  • Nagpadala na rin ng tulong ang pribadong kompanya na Uratex para sa mga apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Taal
  • Sa pamamagitan ng Uratex Foundation, nagkaroon ng mga bagong higaan ang mga evacuees na kasalukuyang nasa Brgy. Halang sa Lipa City, Batangas
  • Kinilala naman ng netizens ang pagtulong ng kompanya sa mga residenteng higit na nangangailangan ng malinis at maayos na higaan

Viral sa social media ang mga larawan ng mga bagong foam na inihandog mismo ng kompanyang Uratex para sa mga apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Taal.

Imahe mula kay Oskie Victoria Declines | Facebook

Sa pamamagitan ng ng Uratex Foundation, nabiyayaan ng mga bagong higaan ang mga evacuees na kasalukyang namamalagi sa Brgy. Halang sa Lipa City, Batangas.

Ibinahagi ng netizen na nagngangalang Oskie Victoria Declines sa Facebook ang mga pangyayari sa lugar habang namimigay ang mga kawani ng pribadong kompanya ng mga bagong foam sa evacuees.

“Foam donation at Brgy Halang Lipa City, Batangas. Nagpapasalamat po kami ulit sa Uratex Foundation,” sabi ng netizen sa kaniyang post noong January 13.

Makikita rito na isang truck na puno ng mga bago at malilinis na higaan ang ipinadala ng Uratex bilang donasyon sa mga residenteng mas nangangailangan ng malinis at maayos na mga higaan.

Imahe mula kay Oskie Victoria Declines | Facebook

Pinasalamatan naman ng netizens ang kompaniya dahil sa pagtulong nito sa mga labis na naapektuhan ng pag-alburoto ng bulkan.

“Maraming salamat sa Uratex. Pagpalain pa po kayo ng ating Diyos sa inyong kabutihan. God bless po,” sabi ni FAE.

“Salute Uratex. Sobrang mas maraming blessings ang [makukuha niyong] kapalit [mula] diyan. Siksik, liglig, nag-uumapaw na biyaya ang ibabalik sa inyo ni Lord. God bless po,” pahayag naman ni RTM.

Imahe mula kay Oskie Victoria Declines | Facebook

“Nakakalungkot dahil sa kalamidad na inaabot ngayon ng mga kapatid natin na mga taga-Batangas,” ani CBB.

Dagdag ng netizen, “Pero nakakatuwa dahil may mga tao na may ginintuang puso na handang tumulong at mag-share sa mga kababayan natin, lalo na sa ganitong pagkakataon. Salamat po at pagpalain po kayo ng ating Panginoon.”

Source :

Facebook