Mensahe ni Bianca Gonzales sa mga kritiko ng mga artista: “Walang naitulong mga comment ninyo”




Imahe mula sa Twitter account ni Bianca Gonzales/Public Domain Image
  • Nagbigay ng komento ang host na si Bianca Gonzales sa mga kritiko ng mga artistang nagpapaabot ng tulong sa mga nasalanta ng Bulkang Taal
  • May mga pumupuna kasi sa mga artistang ipino–post ang kanilang pagtulong sa social media
  • Ang ilang mga artistang hindi nagpo–post ng pagtulong ay pinararatangang walang ginagawa at walang malasakit

Muli na namang nasilayan ang bayanihan ng mga Pilipino sa pagtulong sa mga nangangailangan at naging biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Enero 12, 2020. Mula sa mga karaniwan hanggang sa mga pinakasikat na tao sa lipunan ay talaga namang hindi nagdamot at ibinigay ang anumang tulong na kaya nilang ibigay.

Sa kabila nito, marami pa ring mga netizens ang nagbibigay ng hindi magagandang komento sa mga artistang nagbibigay at nagpapaabot ng tulong sa mga evacuees sa Batangas at iba pang karatig–bayan.

Hindi naman napigilan ng magaling na host na si Bianca Gonzales na magbigay ng mensahe sa mga kritikong ito sa pamamagitan ng kaniyang Twitter post.

Imahe mula sa Twitter account ni Bianca Gonzales

Ayon sa post ni Bianca, “Sa mga nag–comment na ‘puro ka post, wala ka namang naitulong,’ sa mga taong tumulong pero hindi lang nag-post ng tulong… at sa mga nagko–comment na ‘huwag nang i-post ang pagtulong, tumulong kayo nang tahimik’… sa mga nag-post… ang walang naitulong ay ang comment ninyo.”

Kamakailan lamang ay pinuna ng ilang mga netizens ang mga artista na nagpo–post ng kanilang mga larawan sa pagbibigay ng tulong sa mga relief operations. Hindi na raw dapat ito ipinapakita pa sa social media kung talagang “taos–puso” ang pagkakawanggawa.

Samantala, pinuna rin ng mga netizens ang mga artistang inakusahan nilang hindi man lamang nagpaabot ng tulong, o hindi kumilos at nanahimik lamang, dahil walang pagpaparamdam o pag–post nito sa social media.

Umani ng iba’t ibang komento ang Twitter post ni Bianca.

Ayon sa isa, “Sometimes you need to post your good deeds para malaman ng iba na may magagawa sila. Hindi ibig sabihin na pinost mo is para maka–earn ng likes, yung iba pino–post para gayahin sila. Wala namang masama ang mag–share, yung masama eh wala ka na ngang ginagawa, panay pa ang pamumuna.”

“Sa bansang Pilipinas, mas may gana pang magkukuda yung mga taong walang nai–aambag sa lipunan. Again, that is Ms. Bianca’s opinion. I have same opinion as well,” turan naman ng isa.

Komento naman ng isa, “Exactly, that’s the problem of social media age, dapat ba kailangan i–post lahat ng pag–tulong? Dapat ba ipaalam sa mundo, ‘hey guys nag–donate ako, look ohhh.”

Public Domain Image

Ipaalam man sa social media o hindi, ang mahalaga’y pagtulong at may pagkilos na tapat at bukal sa puso, at hindi paimbabaw lamang, sikat man o karaniwang mamamayan.

Source :

Twitter