Mayor Isko, ininspeksyon ang bagong fountain sa harap ng Liwasang Bonifacio




Imahe mula sa Manila Public Information Office
  • May bagong tayong water fountain sa Liwasang Bonifacio sa harap ng Manila City Hall
  • Ininspeksyon mismo ito ni Mayor Isko Moreno Domagoso
  • Natuwa naman ang mga Manilenyo sa bagong atraksyong ito

Dinalaw at ininspeksyon ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang bagong tayong water fountain sa harap ng bantayog ni Andres Bonifacio o tinatawag na “Liwasang Bonifacio”, na nasa bukana naman ng Manila City Hall, nitong Enero 18, 2020.

Ayon sa mga ibinahaging larawan ng opisyal na Facebook page ng Manila Public Information Office, makikita si Yorme na masayang–masayang pinagmamasdan ang bagong tayong water fountain na nagbibigay–atraksyon sa liwasan. Bahagi ito ng kaniyang kampanya upang mapanumbalik ang kagandahan at kaayusan ng Maynila.

Imahe mula sa Manila Public Information Office

Natuwa naman ang mga Manilenyo sa karagdagang atraksyon sa liwasan. Sabi ng isa, “I am positive in my hopes and aspirations for our country that the kind of servant leader like Yorme Isko will replicate and increase in numbers.. His mindset on ‘putting God first in all the things that we do’ instill self-discipline, self control, kindness, love and peace within.”

“Paganda na nang paganda ang Maynila. Yorme, pakitutukan ang UP Manila at Padre Faura. Potentially, magandang garden ang frontage niyan. Now kasi  binabahayan lang ng mga giant rats. Great work, good deeds, amazing vision from the admirable mayor of Manilenyos,” pagpuri naman ng isa.

“The best mayor Manila ever had before Arsenio H.Lacson and now Francisco Isko Moreno Domagoso. I just hope that the leaders after your term will be as passionate to maintain what you’ve accomplished. Mayor Isko’s vision is clear as daylight… Manila is great again but there’s more to be done,” sabi naman ng isa.

Ang isa naman ay may mungkahi. “Yorme, sana po mayroon din tayong replanting of fallen trees around Manila!
Hindi yung puro sa mga chosen areas na lang na meaypuno. Sana sa LAHAT ng bakanteng lote, government–owned or private! Habang wala pang structures eh mapakinabangan muna natin habang may panahon pa.”

Imahe mula sa Manila Public Information Office

Sa loob ng halos wala pang isang taon, marami nang pagbabagong nagawa si Yorme Isko sa Maynila. Sabi nga, “sana all”!

Source :

Facebook