Larawan ng asong naghihintay sa labas ng isang restaurant, umantig sa netizens




Imahe mula kay Pony Peony | Facebook
  • Marami ang naantig sa larawan ng isang aso habang ito ay nakatambay sa labas ng isang restaurant sa Cavite
  • Makikita rito na matiyagang nagmamasid ang aso sa ginagawa ng mga taong kumakain sa loob ng establisimyento
  • Nag-viral naman ang litrato at umani ng iba’t ibang reaksiyon sa social media

Marami ang naantig sa larawan ng isa aso habang ito ay matiyagang naghihintay sa labas ng isang restaurant sa Cavite.

Imahe mula kay Pony Peony | Facebook

Ibinahagi ng netizen na nagngangalang Pony Peony ang larawan ng aso sa Facebook page na Dog Owners Philippines noong January 16.

“Nakita ko lang po,” ayon sa post ng netizen. Pagbabahagi ni Pony Peony, nakita niya ang aso na naghihintay sa labas ng isang resturant sa may Vista Mall sa General Trias, Cavite.

Kapansin-pansin dito na tila nagmamasid ang aso sa ginagawa ng mga taong kumakain sa loob ng establisimyento.

Dahil sa nakakaantig na larawan, agad na nagviral ang post at umani ng iba-ibang reaksiyon mula sa netizens.  Marami ang humiling na sana ay may maawa sa hayop at mabigyan ito ng kahit kaunting pagkain.

“Sana may magpakain sa kaniya at magpainom. Sana may mag-ampon na rin,” pahayag ni LS.

“Kawawa naman. Alam kasi niya na food ang nasa loob. I wish I was there, baby. Nabilhan sana kita. Hehe. God bless you, doggie,” sabi ni LG.

Mayroon namang netizen na nagsabing alaga ang aso at pinapakain ito ng mga empleyado ng mga restaurant sa loob ng nasabing mall.

“Ate alaga iyan ng mga resto diyan. Pinapakain po nila iyan everyday. Mga stray dog po sila. Tatlo iyan. Don’t worry po,” ani Mina Diaz Avila sa comment section ng larawan.

Imahe mula sa comment section ng post ni Pony Peony | Facebook

Ibinahagi rin nito kung paano niya nalaman na nasa mabuting kalagayan ang mga hayop sa lugar.

“Napadaan din po kasi ako diyan galing Manila. I asked the guard kung meron may-ari ng mga dogs. Sabi meron daw nagpapakain, yung mga resto diyan,” sabi nito.

Kaya pala nag-aabang ang aso, suki na pala siya at dalawa pang iba.

Imahe mula sa comment section ng post ni Pony Peony | Facebook

“Akala ko kasi wala tumutulong sa kanila. Mga gentle dog sila, nilapitan ko pa nga at nahawakan. Binigyan ko ng biscuit dahil yun lang dala ko kaso ‘di nila type. Mas gusto nila mga binibigay ng mga resto diyan,” dagdag ng netizen.

Sa kasalukuyan naman ay mayroon nang higit 2,600 reactions ang larawan ng aso sa Facebook.

Source :

Facebook