Kris Aquino, dinalaw si Willie Revillame sa GMA Network para sa kanyang kaarawan; ipinasilip ang mga papremyo




Larawan mula sa Instagram post ni Kris Aquino
  • Dumalaw si Kris Aquino sa kaibigang si Willie Revillame dahil kaarawan nito
  • Nagpunta siya sa studio ng Wowowin sa GMA Network at ipinasilip ang malalaking papremyo
  • Mamimigay kasi ng tulong si Willie sa mga evacuees ng Taal sa kanyang birthday special

Umpisa na ng birthday celebration ng host na si Willie Revillame sa kanyang programang Wowowin. Bagama’t kilala na ang show na ito ni Willie sa pagtulong sa mga nangangailangan, sa mismong araw ng kanyang kaarawan ay mapapanood nang live ang Wowowin at mamimigay ng papremyo para naman sa mga nasalanta ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Ngunit bago umere ang naturang episode ng Wowowin, ipinasilip ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang studio ng Wowowin na punong-puno ng mga items na ipamimigay ni Willie sa programa. Dumalaw kasi si Kris at ang anak nitong si Bimby upang personal na batiin ang kaibigang si Willie.

I-click ang larawan upang mapanood ang video ni Kris Aquino

Naging malapit ang dalawa dahil idolo ng mga anak ni Kris si Willie, partikular na ang panganay niyang si Josh. Madalas ngang mag-bonding sina Willie at Josh na labis na nagpapasaya sa anak ni Kris.

Gayunman, sa isang Instagram post, sinabi ni Kris na hindi nakasama si Josh sa pagdalaw kay Willie sa GMA Network dahil hindi mabuti ang pakiramdam nito.

“Earlier tonight would’ve been perfect if Willie’s number 1 fan, Kuya Josh didn’t have such bad c0ugh and nakasama siya when we visited the rehearsals of Wowowin for tomorrow’s LIVE birthday broadcast,” bungad ni Kris sa post kalakip ang video nila sa pagdalaw kay Willie.

Nagpahayag din si Kris ng kanyang mensahe kay Willie partikular na sa kanyang kagustuhang laging tumulong sa mga kababayan natin lalo na ngayong kailangan ng mga evacuees ng Taal ang anumang ayudang makukuha nila.

“it was our family of 3’s pleasure to have found a gift for the man who has everything money can buy—a chance to support his birthday outreach for those suffering l0ss of homes & livelihood because of Taal’s erupti0n,” dagdag pa ni Kris.

Larawan mula sa Instagram post ni Kris Aquino

Nagpasalamat din siya kay Willie dahil sa magandang pagkakaibigang nabuo sa kanila lalo na sa pagmamahal ng Kapuso game show host sa mga anak niya. Hindi man daw inaasahan ang kanilang pagkakaibigan, ang mahalaga ay naging totoo ito hanggang sa kasalukuyan.

“The best FRIENDSHIPS are the ones you never expected, never even imagined, yet the effort you give to each other feels light because it’s sincerely reciprocal. Happy Birthday, Willie. May God continue to bless you so you may continue blessing many more lives with your generous heart,” pagtatapos ni Kris.

 

View this post on Instagram

 

earlier tonight would’ve been perfect if willie’s number 1 fan, kuya josh, didn’t have such a bad cough & nakasama sya when we visited the rehearsals of Wowowin for tomorrow’s LIVE birthday broadcast… it was our family of 3’s pleasure to have found a gift for the man who has everything money can buy- a chance to support his birthday outreach for those suffering loss of homes & livelihood because of Taal’s eruption. The best FRIENDSHIPS are the ones you never expected, never even imagined, yet the effort you give to each other feels light because it’s sincerely reciprocal. Happy Birthday, Willie. May God continue to bless you so you may continue blessing many more lives with your generous heart.

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on