Kantang isinulat na alay sa mga Batangueño, hinangaan ng netizens




Imahe mula sa video ng Facebook page na Taga-Batangas Ako
  • Marami ang napasaya ng awiting inalay para sa mga Batangueñong apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Taal
  • Isinulat ni DJR ang kanta para ipagmalaki ang ugali ng mga Batangueño sa pagharap sa pagsubok
  • Agad namang nag-viral ang “Kantang Batangueño” sa social media dahil sa aliw na dala nito sa netizens

Kinaaliwan ng netizens ang awiting ibinibida ang tibay ng loob at pagiging masayahin ng mga Batangueñong apektado ng pag-alb0roto ng Bulkang Taal.

Imahe mula sa video ng Facebook page na Taga-Batangas Ako

Ibinahagi sa social media ng Facebook page na Taga-Batangas ako noong January 19 ang kantang nilikha ni DJR na pinamagatang “Kantang Batangueño.”

Marami ang naka-relate sa awitin dahil laman nito ang mga makatotohanang pangyayari na patuloy na hinarap ng mga Batangueño isang linggo matapos mag-alburoto ang Bulkang Taal.

Bagama’t may halong katatawanan ang kantang isinulat ni DJR, hindi maikakaila na naglalaman ito ng madamdaming mensahe na tumutukoy sa pagbangon ng mga mamamayan sa probinsiya.

Ibinida rin dito ang pagtutulungan ng mga kapuwa Pilipino mula sa iba’t ibang sulok ng bansa para mabigyan ng sapat na tulong ang mga mamamayang nangangailangan.

Ipinahayag naman ng ilang netizens ang kanilang pagkamangha sa pinagsama-samang lyrics ng kanta at naaangkop nitong mensahe tungkol sa pagiging palaban sa buhay ng mga Batangueño.

“Wow! You did justice in your song to the people in Batangas and to all the Filipinos,” ani GG.

Imahe mula sa video ng Facebook page na Taga-Batangas Ako

“Pinoy na Pinoy talaga kahit na may pinagdaraanan na sakuna ‘di talaga nawawala sa mga Pinoy ang pagiging masiyahin at magandang pananaw sa mga nangyayari. Galing niyo po, kuya,” pahayag ni VM.

“Wow! Ganiyan sana. Be positive. Smile kahit may pinagdaraanan, malalampasan natin iyan. With that song you bring happiness to everyone,” ayon naman kay AF.

“Galing! Sa kabila ng lahat ng hirap at lungkot napapawi kapag may ganitong may nagpapasaya. Proud kaming laht ng taga-Quezon. Godbless you all,” sabi naman ni SR.

Sa kasalukuyan ay maroon nang mahigit 11,000 reactions at 25,000 shares ang awiting nilikha ni DJR.

Umabot na rin ito sa 680,000 views isang araw matapos itong ibahagi sa social media ng Facebook page na Taga-Batangas Ako.

I-click ang imahe para mapanood ang video:

I-click ang imahe para mapanood ang video
Source :

Facebook