Kai Sotto itinanghal na MVP sa isang invitational basketball tournament sa Atlanta, Georgia




Larawan mula sa Instagram account ng The Skill Factory at Kai Sotto
  • Itinanghal na most valuable player ang Pinoy basketball player na si Kai Sotto sa isang liga sa Atlanta
  • Ang koponan din ni Kai na The Skill Factory ang nagkampeon sa nasabing liga para sa mga high school recruits
  • Nagpasalamat naman si Kai sa lahat ng sumuporta sa kanila kabilang ang coaching staff nila

Simula nang maglaro si Kai Sotto para sa Ateneo de Manila University (ADMU) junior’s basketball, marami na ang napahanga sa kanyang galing. Maliban sa tangkad nitong 7 foot, 2 inches, nadala niya rin ang ADMU sa finals at itinanghal pang most valuable player (MVP).

At matapos ianunsiyo ni Kai na handa na siyang isakatuparan ang kanyang paglalaro ng baskbetball sa bansang Amerika at matanggap sa Atlanta-based team na The Skill Factory, unti-unti nang umuukit ng pangalan ang batang basketbolista ng pangalan sa nasabing estado.

Larawan mula sa Instagram account ni Kai Sotto

Lumahok ang koponan niyang The Skill Factory National sa King Invitational tournament at nakuha nila ang kampeonato. Ngunit maliban sa championship, maipagmamalaki rin ni Kai ang nakuha niyang MVP award sa nasabing torneo.

Nangibabaw ang galing ni Kai kontra sa iba pang US high school players kaya naman sila ang nagwagi sa finals game na ginanap sa Brandon Hall Academy. Nagtala lang naman si Kai ng 27 points per game, 10.6 rebounds, 4.3 blocks, at 3.0 assist na naging susi upang maiuwi niya ang finals MVP title.

Nakatapat nila ang Believe Prep sa iskor na 112 – 102 at naging undefeated matapos ang maikling invitational match. Noong finals, nagtala si Kai ng 27 puntos, kasama ang 10 rebounds, 4 assists, at 6 na malalaking blocks.

Ibinahagi naman ni Kai sa kanyang Instagram account ang video ng highlights niya sa nasabing torneo. Nagpasalamat din siya sa kanyang mga teammates dahil sa naging magandang performance ng bawat isa kaya sila ang naging kampeon.

Larawan mula sa Instagram account ng The Skill Factory

“Blessed with a great tournament this weekend. Happy to be CHAMPIONS with my brothers at The Skill Factory. Great performance by everyone and thank you coach. Grateful to everyone who came out to watch and support,” sabi ni Kai sa kanyang video na mayroon nang halos 38,000 views at 13,000 likes.

Umalis noong nakaraang taon si Kai sa Pilipinas upang isakatuparan ang kanyang pangarap na makasama sa NBA. Magbabalik sana siya sa Philippine team para sa Mighty Sports Dubai campaign ngunit umatras ito dahil daw sa conflict sa kanyang schedule.