Isa sa mga kabayong na-rescue sa isla ng Taal, tuluyan nang namaalam – PAWS




Imahe mula sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) | Facebook
  • Ipinaalam ng Philippine Animal Welfare Society sa social media ang pamamaalam ng isa sa mga kabayong na-rescue mula sa isla ng Taal
  • Hindi na umano kinaya ng kabayong si Princess ang mga komplikasyong idinulot ng mapaminsalang abo mula sa Bulkang Taal
  • Ayon pa sa PAWS, dumanas ang kabayo ng severe respiratory problems at pneumonia na siyang naging dahilan ng pagbigay ng kaniyang katawan

Malungkot na ibinalita ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang pamamaalam ng isa sa mga kabayong na-rescue matapos maiwan nang ilang araw sa isla ng Taal.

Imahe mula sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) | Facebook

Sa Facebook post ng PAWS nitong January 24, sinabi nito na hindi na nakayanan ng kabayong si Princess ang mga komplikasy0ng idinulot ng matagal na paglanghap nito ng mapaminsalang abo mula sa Bulkang Taal.

“Today, we said goodbye to Princess. She was one of the 43 whom PAWS took in in partnership with the Lipa City Veterinarian when they landed in Balete,” ayon sa Facebook post ng PAWS.

“Princess was initially abandoned on the island after the eruption. She survived [for] 5 days without food or potable water and a 50km boat ride from Taal Volcano Island to Balete. She suffered from severe respiratory problems and pneumonia which our equine vets tried to treat as best as they could,” dagdag nito.

Sa kasamaang palad, hindi na kinaya ni Princess ang pinsalang dulot ng pangyayari sa kaniyang katawan kaya naman tuluyan na rin itong namaalam.

Nagpahayag rin ang ilang netizens ng kanilang mensahe tungkol sa pagkawala ng kabayong si Princess.

“I hope and pray for the day to come where government can give funds to the animals and be part of the evacuation in times of crisis. Sadly, animals are not part of the rescues even with donation. Thankful that there are groups that prioritize and help animals in need,” ani RN.

Imahe mula sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) | Facebook

“Thank you Princess for offering them a good ride. Now have a very good stride. Run towards [the] rainbow bridge. Thank you PAWS for giving these creatures some hope. God bless the Philippines,” sabi ni RAR.

Patuloy naman na humihiling ang PAWS ng donasyon mula sa publiko upang mapabuti at mapangalagaan ang iba pang hayop na nasa kanilang pangangalaga.

Source :

Facebook