Ibang level: Matapos ang Miracle in Cell No. 7, child actress na si Xia Vigor, may recording offer mula sa Japan




Larawan mula sa Instagram account ni Xia Vigor
  • Tuloy-tuloy ang biyaya sa batang aktres na si Xia Vigor
  • Matapos kasi ang success ng Miracle in Cell No. 7, lilipad sa Japan si Xia para sa isang offer
  • Magre-record raw ang bata sa isang Japanese TV network

Patuloy na gumagawa ng pangalan ang child actress na si Xia Vigor. Matapos kasing mabalita sa international media ang paggaya noon kay Taylor Swift sa programang Your Face Sounds Familiar Kids, ngayon naman ay may offer sa kanyang maging recording artist sa Japan.

Sariwa pa mula sa tagumpay ng Philippine remake ng Miracle in Cell No. 7 si Xia ngunit maraming biyaya pa ang nakalinya sa kanya. Matapos kasi niyang pumirma ng exclusive management contract sa Viva Entertainment, nakatakda niyang gawin ang ilang pelikula at mag-record ng kanyang unang album.

Larawan mula sa Instagram account ni Xia Vigor

Ngunit bago maging abala sa proyekto niya dito sa Pilipinas, sa Japan muna magpapasiklab ang child performer. Ayon kasi sa pahayag ng ina nito sa PEP, bago raw nila gawin ang Miracle in Cell No. 7 ay may offer na kay Xia ang Fuji TV network sa Japan.

Nais daw ng TV network na magkaroon ng recording si Xia para sa kanila. Bagaman sinabi ng ina ni Xia na hindi naman talagang singer ang kanyang ina, sinabi pa rin ng TV network sa Japan na gusto nilang kunin ang bata.

“Actually, may offer po sa kanya sa Japan na mag-recording kaya nagpaalam po ako sa kanila na unahin yung Miracle,” pahayag ng ina nito.

Ngayong tapos  na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) top grosser film na Miracle in Cell No. 7, maaari nang tanggapin ng kampo ni Xia ang proyektong iyon. Gayunman, abala rin si Xia sa ilang proyekto kabilang ang ilang Kapamilya shows at pagiging host ng Team Yey!

Larawan mula sa Instagram account ni Xia Vigor

Marami ang umasa noong MMFF na si Xia ang magiging best child actress dahil sa mahusay nitong pagganap sa pelikula nila ni Aga Mulach, ngunit hindi siya ang nag-uwi ng tropeyo.

Nadiskubre si Xia nang sumali sa ‘Minime’ segment ng noontime show na It’s Showtime. Ginaya niya ang actress-singer na si Selena Gomez. Hindi rin siya ang grand winner ng contest pero nakuha siya bilang Kapamilya child actress.

Source :

PEP, ABS-CBN News