Hungry Syrian Wanderer Basel Manadil kaugnay sa Taal: “I feel so heartbroken for those people who are severely affected…




Imahe mula sa Facebook account ni Basel Manadil
  • Hindi nakaligtas ang kotse ni Hungry Syrian Wanderer na si Basel Manadil sa ashfall mula sa Bulkang Taal
  • Galing umano siya sa Tagaytay na isa sa mga naapektuhan nito
  • Nananalangin siyang maging ligtas at nasa mabuting kalagayan ang mga Pilipinong labis na naapektuhan sa kalamidad na ito

Marami ang nagulat sa muling paggising mula sa napakatagal na pagkakahimbing ng Bulkang Taal sa Batangas nitong Linggo, Enero 13, 2020, na nagbunsod ng ilang mga pagyanig at ashfall na umabot hanggang sa mga karatig lalawigan at bayan sa Luzon at Metro Manila. Isa na rito ang Tagaytay sa Cavite na kadalasang dinarayo ng mga lokal at dayuhang turista.

Kaya naman, ipinakita ng sikat na Syrian vlogger, pilantropo, at may “pusong Pinoy” na si Basel Manadil, o kilala rin bilang “Hungry Syrian Wanderer” ang kalagayan sa Tagaytay matapos ang matinding ashfall.

Batay sa kaniyang Facebook post, kitang-kita na binalot ng makapal na abo ang kaniyang kotse, na posibleng kinahinatnan din ng iba pa.

Imahe mula sa Facebook account ni Basel Manadil

“Happening now, my car is covered in ashes. Drive safe po sa atin. My city is so near Tagaytay and experiencing heavy ash rain here in the South. Stay safe mga kababayan. I feel so heartbroken for those people who are severely affected, for the homeless and strays who are affected,” ayon sa kaniyang post.

Marami naman sa kaniyang mga tagahanga ang labis na nag–alala kay Basel at gayundin sa iba pang mga naging biktima ng ashfall. Sabi ng isa, “May God’s loving hands, comfort and protection be upon to our kababayan for those who are residing nearby Taal Volcano, in the mighty name of Jesus… Amen.”

“We Batangueños are experiencing continuous quakes minute by minute. Napakahirap! Lalo na ngayong gabi, marami ang hindi makakatulog nang ayos lalo na ang mga bata. Please continue to pray,” pakiusap naman ng isa sa mga naapektuhan.

Turan naman ng isa, “Keep safe Basel… at sa lahat ng mga kababayan natin especially sa most affected areas. Let’s just pray for our safety.”

Imahe mula sa Facebook account ni Basel Manadil

“From watching your posts, stories and vlogs, I feel that you will not just sit and watch. You have a good heart and we want you always well. Just a precaution, though. Make sure you (health and security) are safe.. then help. GOD SPEED!” sabi naman ng isa.

Mag–ingat ka, Basel, at sa iba pang mga Pilipinong labis na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal!