Guro may ‘Plot twist’ sa ginawang pagsusulit: “Ako nagbigay ng sagot, sila gumawa ng tanong”




Imahe mula sa Facebook account ni JP
  • May kakaibang “plot twist” ang isang guro sa kaniyang inihandang pagsusulit
  • Imbes na sagot, tanong ang ilalagay ng mga mag–aaral batay sa mga pamimilian
  • Natuwa naman ang mga netizens sa kakaibang ideyang ito dahil nagpapakita umano ito ng pagiging malikhain ng mga mag–aaral

Sa anumang pagsusulit, magmula sa quiz hanggang sa mga pangunahin tulad ng periodic o final exam, sanay ang mga mag–aaral na sagutin ang madadali, mahihirap, o “out of this world” na mga tanong ng guro o mga propesor. Bahagi ito ng mga requirements upang makakuha ng mataas na marka, o kaya’y makapasa sa isang asignatura o kurso.

Kaya naman, kinatuwaan ng mga netizens ang “plot twist” ng isang gurong nagngangalang “JP Peñol” sa ibinigay niyang pagsusulit sa kaniyang mga mag–aaral. Sa halip kasi na mga tanong, ang mga pamimilian o multiple choice ang kaniyang inilagay sa test paper. Batay sa Facebook post, hinayaan niya ang kaniyang mga mag–aaral na mag–isip ng mga posibleng tanong, bagay na kakaiba at tila ngayon lamang nangyari.

Imahe mula sa Facebook account ni JP Peñol

“PLOT TWIST. Ako naman nagbigay ng sagot tapos mga students gumawa ng tanong. 2 points each!”, ayon sa caption ng post.

“Bentang–benta” naman ito sa mga netizens, lalo na sa mga mag–aaral. Komento ng isa, “This is a very innovative way to test students!”

“Brilliant! It encourages students to think beyond the given choices… magawa nga ito sa mga klase. Try ko lang if effective,” saad naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “I like the idea, though parang mahirap magcheck kasi maraming pwedeng maging tanong diyan. But for a plot twist like this in giving exams, it’s a yes for me hahaha…”

Ang pagbibigay ng pagsusulit o eksamin ay isang paraan ng pagtatasa at pagtataya o assessment and evaluation ng mga guro kung talaga bang epektibo ang kanilang pagtuturo na nagbubunsod a pagkatuto ng kanilang mga mag–aaral. Maraming uri ng pagsusulit. Nariyan ang “paper and pencil test” o ang tradisyonal na pagsagot sa mga nakasulat o nakalimbag na pagsusulit.

Tinatawag namang “practical/performance–based test” ang mga pagsusulit na nangangailangan ng pagganap o pagtatanghal na kadalasang ginagawa sa mga asignaturang MAPEH, TLE/THE, at iba pa.

Public Domain Image