For Kids only: GMA Network ilulunsad ang singing contest na ‘Centerstage’ para sa mga bata




Larawan mula sa video ng GMA Network at Facebook
  • Mga bata naman ang bibida sa bagong reality show ng GMA Network na Centerstage
  • Ito ang pagbabalik ng singing contest para sa mga bata matapos ang Popstar Kids na ipinalabas noong 2005
  • Makakasama ni Alden Richards bilang judges ng programa sina Aicelle Santos, Mel Villena, at Pops Fernandez

Kilala ang GMA Network sa kanilang mga original na konsepto ng reality shows at contests. Pinanood ng madla ang kanilang mga sariling likha tulad ng StarStruck, Pinoy Pop Superstar, Protégé, at The Clash na nagpakilala ng mga malalaking pangalan ngayon sa industriya.

At ngayong 2020, isa na namang bagong reality show ang ipalalabas ng Kapuso network na para naman sa mga bata. Sa ilang report ng GMA Network website, isang kakaibang konsepto na naman ang reality show na Centerstage dahil maliban sa bata ang mga contestant, ibang klase raw ng labanan sa bosesan ang matutunghayan dito.

Larawan mula sa video ng GMA Network

Magiging hosts ng show ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at ang komedyanteng si Betong Sumaya. Ang magsisilbi namang judges ay ang mga de kalibreng performers at musicians na sina Pops Fernandez, Aicelle Santos, at Mel Villena.

Excited si Alden sa kanyang panibagong proyekto kung saan ipamamalas naman niya ang kanyang hosting skills. Nahasa naman daw siya sa paghu-host sa noontime show na Eat Bulaga at mahilig din siya sa mga bata kaya naman excited na siyang maipalabas ang Centerstage.

“Mas maganda talaga na nae-expose ‘yung mga bata, especially talented kids, sa mga ganitong klaseng platforms para ma-showcase ‘yung talent, para ma-amplify ‘yung talent nila, at nang ma-hone nila at an early age,” saad ni Alden sa isang panayam sa GMA News.

Larawan mula sa Facebook

Excited rin ang concert queen na si Pops sa kanyang pagbabalik sa Kapuso network. Aniya, mabait naman daw siyang judge lalo na’t mga bata ang kanilang gagabayan sa nasabing singing contest. Matatandaang naging hurado si Pops sa international talent show na The World’s Best.

Ito ang unang pagkakataon na gagawa ang GMA Network ng isang singing show para sa mga bata matapos ang launching nila ng Popstar Kids kung saan nadiskubre sina Julie Anne San Jose at Rita Daniela. Mapapanood ang Centerstage sa weekend primetime slot ng GMA sa darating na Pebrero 16.

Panoorin ang teaser.