DOT handang umalalay sa mga lalawigan at bayang napinsala ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal




Larawan mula sa DOT Facebook page at PNA
  • Siniguro ni DOT Secretary Puno na tutulong ang kanilang ahensiya sa pagbangon ng turismo ng Batangas, Cavite, at iba pang lalawigan malapit sa Taal
  • Makikipagtulungan umano sila sa NEDA upang makapagpatupad ng mga proyekto para sa turismo
  • Ngunit idiniin din niya na kailangan muna ngayong siguruhin ang kaligtasan ng mga mamamayan bago ang negosyo sa mga lalawigan malapit sa Taal

Naging pamoso ang Bulkang Taal dahil isa ito sa mga pinupuntahang atraksiyon sa mga lalawigan ng Batangas at Cavite, partikular ang mga turistang nagpupunta sa Tagaytay City. At dahil nalalapit na ang tag-init, siguradong marami ang maghahanap ng preskong lugar kabilang ang summer capital sa Katimugang Luzon na Tagaytay.

Ngayong nasa Alert Level 3 na lamang ang Taal, marami ang umaasa na babalik na sa normal ang kanilang pamumuhay at manunumbalik na rin ang kanilang mga trabaho partikular ang kita mula sa turismo. Ang magandang balita, handa naman daw ang Department of Tourism (DOT) sa pagtulong sa pagbangon ng turismo ng Batangas, Cavite, at mga kalapit pang lalawigan.

Larawan mula sa DOT Facebook page

Ito ang naging pahayag ni DOT secretary  Bernadette Romulo-Puyat sa isang press conference. Malaki raw ang maitutulong nila sa promotion ng panunumbalik ng sigla ng turismo sa mga apektadong lugar ngunit ang mga proyekto sa pagsasaayos ay idudulog daw nila sa National Economic and Development Authority (NEDA).

“First, when it comes to promotions, we’re ready. But in terms of projects, we will be coordinating with the NEDA sila ‘yong nagpapatawag for the recovery,” paliwanag ni Romulo-Puyat.

“Now, maybe it’s too early but we are, from day one, we’ve already been coordinating with the NEDA. We have committed already depending on what they think is the need but it has to be coordinated with the NEDA,” dagdag pa ng DOT secretary.

Sa ngayon daw ay nakatuon din ang kanilang ahensiya at ang pamahalaan sa pagbibigay ng kaukulang ayuda sa mga nasa evacuation centers na hindi pa nakababalik sa kanilang mga tahanan. Nagbabala rin si Romulo-Puyat na laging makipag-ugnayan sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs) patungkol sa mga balita at anunsiyo kung maaari na bang buksan muli ang mga negosyo sa mga lugar malapit sa Taal.

Larawan mula sa PNA

“Again, we came up with the statement that the safety of the workers and the tourists are more important than the numbers. Of course, in Tagaytay, tourism is the main occupation, but for us, we will always follow the guidance of Phivolcs,” dagdag pa ni Romulo-Puno.

Siniguro din ni Puno na ang bansa ay maituturing pa ring ligtas na lugar para sa mga turistang nais dumayo sa Pilipinas lalo na’t papalapit na ang summer kung saan marami ang dumaragsa sa mga beach at resort sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Source :

PNA, ABS-CBN News