Dingdong Dantes, isa nang Lieutenant Commander ng Philippine Navy; Marian Rivera, proud sa kanyang asawa




Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera
  • Isa nang Lieutenant Commander ng Philippine Navy ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes
  • Kasama ni Dingdong sa pinning ceremony ang kanyang asawang si Marian Rivera
  • Marami namang fans ni Dingdong ang natuwa sa bagong achievement ng kanilang idolo

Gaganap na isang sundalo sa upcoming Kapuso teleserye na Descendants of the Sun: Philippine Adaptation ang Primetime King na si Dingdong Dantes. Marami ang excited sa gagawing pagganap ni Dingdong dahil ito rin ang unang beses na gaganap siya bilang isang sundalo.

Ngunit sa likod ng camera, si Dingdong ay isang tunay na alagad ng bansa. Noong 2009, nag-umpisang maging Philippine Navy (PN) Reservist ang Primetime King ng GMA. At ngayon ngang 2020, tumaas na ang ranggo ni Dingdong at naging isang Lieutenant Commander na ng Philippine Navy.

Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera

Sa isang seremonya sa Philippine Navy Headquarters, ginawaran si Dingdong ng bagong posisyon sa Navy at naging Lieutenant Commander na. Kasama niya sa pinning ceremony ang kanyang maybahay at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Sa Instagram account ni Marian, ibinahagi niya ang ilang larawan ni Dingdong na kasama siya sa ginawang seremonya sa PN. Kasama rin ni Dingdong ang kapuwa Descendants of the Sun actor at Navy reservist din na si Rocco Nacino.

Ang pagtaas ng ranggong ito ni Dingdong ay isang patunay na sa kabila ng kanyang busy schedule bilang aktor, asawa, at ama, ay nagagawa pa rin ni Dingdong ang kanyang mga tungkulin bilang alagad ng ating bansa. Katuwang niya sa kanyang mga misyon ang binuong Yes Pinoy Foundation na kamakailan ay naghatid ng tulong sa mga Taal evacuees.

Nagkaroon din ng isyu ang ilang netizens sa nasabing pagtulong ni Dingdong dahil nang gawin nila ang relief operations, ay nakasuot siya ng military uniform. May ilang pumuna sa kanya na ginagamit daw niya ang pagkakataon para mag-promote ng kanyang serye.

Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera

Lingid lamang sa kaalaman ng fans ay may isang dekada na noong naging reservist si Dingdong. At ngayon nga, ang tagal niya sa serbisyo ay nasuklian na ng panibagong ranggong hahawakan ng Kapuso Primetime King.

Maraming fans naman nina Dingdong at Marian ang proud rin sa achievement ng Pinoy Big Boss sa upcoming Descendants of the Sun series. Patunay daw ito na ang mabuting kalooban ni Dingdong ay nasusuklian at nawa ay hindi raw sana tumigil ang aktor sa pagtulong sa kanyang mga kababayan.