Concerned netizen, hinikayat ang publiko na bilhan ng painting ang isang lolo




Imahe mula sa Facebook account ni Gelica Reyes Llosala
  • Itinampok ng isang concerned netizen ang isang lolong nagbebenta ng kaniyang mga paintings sa daan
  • Hinikayat niya ang publiko na tulungan ang lolo sa pamamagitan ng pagbili sa mga obra maestra nito
  • Bumaha naman ng pagsuporta mula sa mga netizens ang panawagang ito

Masarap magpaabot ng tulong sa isang taong hindi ginagawang excuse ang kalagayan o edad para tulungan naman ang kaniyang sariling maiahon ang kaniyang antas ng pamumuhay mula sa kumunoy ng kahirapan.

Itinampok ng isang netizen na nagngangalang “Gelica Llosala” ang isang lolong nagtitinda ng paintings sa isang kalsada sa San Jose, Montalban, Rizal. Ayon sa kaniyang Facebook post, hinikayat niya ang publiko na bumili ng painting mula sa lolo na nagkakahalagang humigit–kumulang 500 piso.

Imahe mula sa Facebook account ni Gelica Reyes Llosala

Salaysay niya, naraanan niya ang matanda sa harap ng isang cafe, habang siya ay papasok sa kaniyang trabaho. Nakahanay sa daan ang mga obra maestra ng lolo. Humingi siya ng permiso sa matanda upang makuhanan ng larawan ang mga painting, at makapanawagan sa social media na suportahan siya.

Ayon sa kanyang caption, “PAINTINGS FOR SALE! Not mine. I’m on my way to work when I saw tatay selling his masterpieces. He allowed me took pic of him with his paintings. Let’s support those who make art for living. Item ranges from more or less 500 pesos according to tatay. LOCATION: In front of Montana Cafe, Sub-Urban Village, San Jose, Montalban, Rizal.”

Dagdag pa niya, ” Hi people. For those who are interested, kindly pm Ma’am Mary Ann Nadera Gallebo anak po siya ni Tatay. Thrice a week lang daw po nagtitinda si Tatay on that same spot or doon po sa Manila Hills. I’m in no other intentions but purely to help and so I’m hoping that everyone will. Thank you very much for the kind words. Let’s spread kindness. God bless.”

Public Domain Image

Bumaha naman ng magagandang mensahe mula sa mga netizens ang naturang panawagan. May ilang interesadong tulungan ang lolo upang mas kumita pa ito sa kaniyang mga obra maestra. Sabi ng isa, “Hi Mam, baka madaanan n’yo po ulit, pwede po siyang samahan sa Tourism Office natin o makuha contact details niya para help natin to look for possible buyers, para hindi na po mapagod si Tatay diyan.”

“God bless you, Tatay! Mabuti pa si Tatay, ginagamit ang talent niya para mamuhay nang may dignidad at hindi nanghihingi ng limos mula sa ibang tao. Suportahan po natin siya!”

God bless you po, Tatay! Nawa po ay dumagsa ang mga mamimili ng inyong mga obra maestra!

Source :

Facebook