Canadian vlogger Kyle Jennermann, itinampok ang turismo ng Basilan




Imahe mula sa Facebook page na BecomingFilipino
  • Itinampok ni Canadian vlogger Kyle Jennermann ang turismo ng Basilan
  • Tunay daw itong maipagmamalaki sa mga lokal at dayuhang turista
  • Hiling ni “Kulas” na makita rin ng iba ang kagandahan nito

Kung turismo at magagandang atraksyon din lamang ang pag–uusapan, hindi pahuhuli riyan ang Pilipinas. Napakarami nating mga tourist spots mula sa Luzon, Visayas at Mindanao na talaga namang dinarayo ng mga lokal at dayuhang turista. Isa na riyan ang lalawigan ng Basilan na nagkaroon ng stigma na lugar kung saan may takot at pangamba dahil sa “terorismo”.

Kaya naman, itinampok ito ng sikat na Canadian vlogger at pilantropong si Kyle “Kulas” Jennermann na may “pusong Pinoy”.

Sa kaniyang Facebook page na “Becoming Filipino”, inilahad niya ang kaniyang paglalakbay at pamamasyal sa Basilan, batay sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook page na BecomingFilipino

Sa matagal na panahong pananatili umano sa Pilipinas, napagtanto raw niyang isa ang Basilan sa mga pinakamagagandang lugar sa bansa, na dating nababalot ng mga di–magagandang elemento tulad ng pagkatakot at negativity.

“Okay, where am I going with this? Well over the past few years… tourism is starting to develop on this island province. With support from locals and government, more and more people are starting to visit. People are now learning…,” saad ni Kulas sa kaniyang Facebook post.

Inisa–isa ni Kulas ang iba’t ibang bagay na natatangi sa Basilan tulad ng kamoteng Pyutu, mga magagandang isla, puting buhanginan sa mga dalampasigan, magagandang talon o waterfalls, mga habing–tela ng mga Yakan, gayundin ang mga lokal nitong Tausug at Badjao.

“Basilan is vibrant… from its banigs, to its food covers, to its dance, to its clothing, to its people! I could go on and on! But what is happening, is people are starting to participate in tourism activities in the Province. And not only are they starting to see the beauty of Basilan, but even more so..,” ani Kulas.

Sa ikatlong pagkakataon daw ay muling babalik at papasyal si Kulas sa Basilan. Umani naman ito ng iba’t ibang kemnto mula sa mga netizens. “Power on Kulas! Thanks for enlightening and educating us about Basilan,” pasasalamat ng isa.

Imahe mula sa Facebook page na BecomingFilipino

“Kulas, share stories about Sulu and Tawi-Tawi too. Especially on their arts, crafts, foods, delicacies, architectural and sculptural artworks. I’m going to share it to my studennts,” mungkahi naman ng isa.

Kaya naman, halina’t tuklasin natin ang kagandahan ng Basilan!