“Bulkan ka lang, Pilipino kami!” Hungry Syrian Wanderer Basel Manadil, naghagilap at namahagi ng N95 masks




Imahe mula sa Facebook account ni Basel Manadil
  • Namigay ang Syrian vlogger at pilantropong si Basel Manadil ng libreng N95 masks at iba pang mga gamit na kailangan ng mga naapektuhang residente sa pagsabog ng Bulkang Taal
  • Kahit nagkakaubusan na at mahal na rin ang presyo, hindi ito inalintana ng ‘The Hungry Syrian Wanderer”
  • Labis–labis naman ang pasasalamat ng mga Pilipinong netizens dahil sa kabutihan ni Manadil

Ang taong may tunay na malasakit sa kaniyang kapwa ay handang tumulong sa panahon ng labis na pangangailangan. Walang mayaman o mahirap, walang bata o matanda, walang kalahi o dayuhan, kapag gumanti na ang kalikasan.

Imahe mula sa Facebook account ni Basel Manadil

Isa sa mga taong may tunay na malasakit para sa mga Pilipino ang “The Hungry Syrian Wanderer” na si Basel Manadil, sikat na Syrian vlogger, at kilalang may pusong Pinoy.

Bagama’t hindi rin nakaligtas sa ashfall, gumawa ng hakbang si Basel upang makapag–abot ng tulong sa ating mga kababayang naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal. Sa kaniyang Facebook post, naghagilap at nagpamigay ng N95 masks si Basel, na nagkakaubusan na ng stocks.

Ayon kay Basel, “VOLCAN KA LANG, FILIPINO KAMI. Went all around the Metro trying to find N95 masks the whole day as its sold out almost everywhere! I bought everything I find (hundreds of box with 50 pcs masks each box, not bad) even its pricey to give away for free to anyone and bring to Batangas and Tagaytay myself.”

Maging si Basel ay hindi makapaniwala at nalulungkot sa biglaang pagtaas ng presyo ng N95 masks na kailangang–kailangan ngayon ng mga kababayan. Aniya, “It’s so sad to see on my news feed that some people sells or buy all stocks and resells them at a very high price as high as 200-400 each mask!”

Kuwento pa niya, “So I went around and get everything that I can possibly purchase and give people free whoever I come across with. Next, we will be heading to the evacuation centers giving away N95 masks, blankets, diapers, water etc. we’re coming for you.”

Imahe mula sa Facebook account ni Basel Manadil

Sadyang ganiyan talaga ang ginagawa ni Basel kahit noon pa mang nagkakasiyahan naman ang mga Pilipino dahil sa Pasko at Bagong Taon. Sa mismong bisperas ng Pasko, sa oras ng Noche Buena, nagluto siya ng spaghetti at namigay nito sa kahit na sinong madaanan niyang kapos–palad na nasa lansangan.

Mabuhay ka, Basel! Ang mga Pilipino ay nagpupugay sa mga kagaya mong dayuhan na may tunay na malasakit para sa aming mga kababayan!

Source :

Facebook